Makaraan sina Andal Sr. at Andal Jr, ano ang susunod?

NABASAHAN na ng sakdal si Maguindanao ex-Governor Andal Ampatuan Sr. kaugnayng Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao sa nasabing lalawigan mahigit isang taon at kalahati na ang nakararaan.

Naunang nabasahan si Andal Ampatuan Jr. at ilang tauhang Ampatuan.

Kung titingnan ang listahan ng iba pang detenido, higit na nakararami pa ang hindi nababasahan ng sakdal at higit yatang marami ang hindi pa naaaresto.

Ang mga hindi naaaresto ang sinasabing may kagagawan sa unti-unting pagkamatay ng mga testigo o nakikisimpatiya sa mga biktima, kabilang na si ngayo’y Maguindanao Gov. Esmael Mangudadato.

Sa pagbasa ng sakdal o arraignment, mga Bro, nangangahulugan na may sapat na batayan ang hukuman na litisin ang sinomang isinusumbong na kriminal. Probable cause ang tawag diyan. At kasunod dito ang pag-uusig upang malaman sa huli kung nagkasala nga o inosente ang inaakusahan ng krimen.

Sinasabing si Andal Jr mismo ang nagpasimuno sa massacre samantalang si Andal Sr. ang kabilang sa mga nagplano sa massacre. Nasa likod umano ng massacre ang pagpaslang sana kay Gov. Mangudadatu subalit ang misis niya, mga abogado nila, nasa 32 mamamahayag at iba pang inosenteng sibilyan ang naging biktima.

Upang maitago ang lahat, gumamit ang mga suspek ng backhoe upang ihukay sa lupa at itago ang lahat ng mga bangkay at sasakyan na ebidensiya.

Mabuti na lamang at naipit sa pressure ng local at international media ang noo’y kaalyado ng mga Ampatuan na si dating Pang. Gloria Arroyo sa pangyayari. Nagdeklara ito ng state of emergency, hinuli ang  ilang suspek sa krimen at kinuha ang mga ebidensiya.

At ngayo’y nababasahan na ng sakdal ang mga suspek sa krimen.

Magtatagumpay kaya ang katarungan dito? Yan ang katanungan na maaaring magkaroon ng kasagutan makaraan siguro ng 20 taon. Batay ito, mga Bro, kasalukuyang karanasan mula sa mga hukuman. Dadaan kasi, mga Bro ang kaso sa regional trial court tulad ngayon at maaaring aakyat ang kaso sa Korte Suprema, kung hindi maa-acquit ang mga akusado.

Siguro, patay na ang lahat ng justices sa Korte Suprema ngayon bago magkaroon ng pinal na desisyon dito.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply