Malakanyang ‘di nilaglag si De Jesus

HINDI totoong inilaglag ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang nagbitiw na si Transportation Secretary Jose “Ping” de Jesus.

Binigyang-diin ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na  personal ang rason ni De Jesus sa kanyang pagbibitiw sa puwesto at walang kinalaman ang pagpapabaya ng Malakanyang na harapin ni De Jesus ang mga kontrobersiyang ibinato sa kanya.

“Nagsalita na po si Secretary De Jesus at siguro po hindi na po dapat bigyan pa ng ibang kulay kung meron pa pong ibang dahilan dahil siya na rin po mismo ang nagsabi. Nilinaw na po niya na wala siyang rift with the Aquino family at talagang ginusto lang po niya na bumalik na sa pribadong sektor,” ayon kay Valte.

Nauna rito, inasahan na ng Malakanyang na magbibitiw sa tungkulin sina Transportation Undersecretaries Dante Velasco, Glicerio Sicat at Ruben Reinoso. Ang rason ng tatlo ay upang bigyan ng pagkakataon ang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na magkaroon ng kanyang mga tauhan.

“Hindi po nakakagulat dahil alam naman natin that the Cabinet secretaries were given leg rooms, so to speak, to form their teams,” ani Valte. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply