Malakanyang dinedma ang kritikong obispo

WALANG balak ang Malakanyang na sampahan ng kaso si Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos makaraang magbanta na may grupong nagnanais na patalsikin sa puwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, nagpaparinig lamang ang obispo, na ang katunayan ay wala pa rin itong aksyon ukol sa kanyang ibinunyag.

“Titingnan po natin kung ano’ng susunod na hakbang ang gagawin niya. In the meantime ay tingnan lang po muna natin. We will wait and see,” ayon kay Atty. Lacierda.

Wala rin silang balak na hikayatin ang obispo na pangalanan ang grupong tinutukoy nito na mangunguna sa pagpapatalsik sa Pangulo dahil hindi umano papel ng isang obispo ang magsalita ukol sa mga isyu nang hindi tinitiyak ang katotohanan ng mga ito.

“Ni hindi niya alam kung ano ang katotohanan, hindi ba? … This is not a role that is the prime beauty of a shepherd or a pastor. And the way he is doing it, he is leading his flock astray,” ani Lacierda.

Duda umano ang opisyal ng Palasyo kung magagawa ni Pueblos na isapubliko ang grupong kanyang tinutukoy na magpapatalsik kay Pangulong Aquino.

“The guys starts from a lie and i doubt if he will speak out the truth. Let him discern the truth if he is man enough to speak out the truth,” anito.

Nilinaw ni Lacierda na hindi apektado ang Malakanyang sa mga inilahad ni Pueblos dahil malinaw lamang aniya ang layuin nito at iyon ay ang magpakalat ng mga kasinungalingan.

Para sa Malakanyang, malinaw na  ang ginagawa ni Bishop Pueblos ay propaganda machine.

Una rito ay sinabi ni Pueblos  na hindi  karapat-dapat na mamuno si Pangulong Aquino sa bansa kaya’t may grupo aniya na naghahanda na patalsikin siya sa puwesto.

“He is not really worthy to be a President. That job is not for him. The earlier he will be out of his post, the better for the Philippines,” ayon kay Pueblos.

Matatandaang  nag-ugat ang iringan na namamagitan ngayon sa pagitan ng Catholic Church at Pangulong Aquino dahil sa patuloy na pagsuporta ng Punong Ehekutibo sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply