Malakanyang natuwa sa suporta ng Australia

TUWANG-TUWA ang Malakanyang dahil sinuportahan ng Australia ang  posisyon ng Pilipinas kaugnay sa mapayapang pagresolba ng usapin ng Spratly Islands.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, labis ang pagkagalak ng Palasyo sa posisyon  ng Australia na nararapat  lamang na batay sa umiiral na patakaran ang paglutas  sa  nasabing tensyon.

“Ang policy naman po talaga natin is to have a rule-based settlement approach, a multilateral approach to the settlement of the dispute. ‘Yun po talaga ‘yung ina-advocate natin for us to arrive at a peaceful resolution,” ayon kay Valte.

Sinuportahan ng Australia ang paninindigan ng Pilipinas na dapat irespeto ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ani Valte, umaasa ang Malakanyang na ito rin ang isusulong ng China at Vietnam na claimants din sa Spratly.

Kasabay nito, naninindigan din ang Pilipinas sa reklamo nitong panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa kabila ng pagtatanggi ng karibal na bansa. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply