Malakanyang susuporta na kay Tingting

DAHIL sa walang kandidato ang administrasyon para sa napipintong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections ay nagbago na ng pananaw ang Palasyo at handa na umanong suportahan ang kandidatura ni dating Tarlac Gov. Tingting Cojuangco.

Ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa, nakapaghain na ng certificate of candidacy (CoC) ang tiyahin ni Pangulong Benigno Aquino III at dahil walang kandidato ang administrasyon kaya nakalaan na umano ang suporta nila sa kandidatura ni Mrs. Cojungco sakaling matuloy ang halalan sa ARMM.

Ayon kay Ochoa, “no choice” sila kundi suportahan na lamang ang tiyahin ng Pangulo.

Isa ang nasabing usapin sa tatalakayin sa nakatakdang pagpupulong na ipinatawag sa Palasyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply