Palasyo sa lawmakers: ‘Wag pagamit sa mga anti-PNoy

UMAPELA ang Malakanyang sa mga mambabatas na huwag magpagamit sa pamumulitika ng mga kaaway sa pulitika ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, okey lang sa kanila ang imbestigahan ang mga malalapit na kaibigan at kaalyado ni Pangulong Aquino na nabigyan ng posisyon sa pamahalaan na ngayon ay nasasangkot sa iba’t ibang anomalya.

“We have always been cognizant of the power of Congress to initiate an investigation in aid of legislation. However, our only appeal to the members of the House is do not let themselves be used as tools for mudslinging or political purposes,” anito.

Hindi naman nagbabago ang posisyon ng Malakanyang na hindi nila gagamitan ng EO 464 ang mga opisyal ng pamahalaan na maaaring ipatawag ng mga mambabatas sa kanilang gagawing imbestigasyon.

Ang gusto lamang anilang mangyari ay huwag gamiting venue for character assassination ang Kongreso.

“The position has not changed. Until now, katulad nga ng sinabi ni Sec. Lacierda, we are open. However, if the motives are apparent, then we certainly can comment on the motives. So wala naman pong inconsistency doon. Confident po tayo na kung magtawag po ang Kongreso ng imbestigasyon, darating po ang mga opisyal na ipapatawag nila—that has always been the policy of the Aquino administration. But that does not foreclose us in giving our comments on the motivation behind the call for the investigation,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Nananatiling nasa kontrol ni Pangulong Aquino ang pamamahala ng bansa.

Tugon ito ng Malakanyang sa sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na bagama’t isang tapat na Pangulo si Pangulong Aquino ay kailangan naman ng Pilipinas ang isang lider na kayang kontrolin ang kanyang mga opisyal.

At sa isyu na gigisahing mabuti ng Senador Lacson si Justice Sec. Leila de Lima sa oras na maisalang na ito sa Commission on Appointments (CA) ay sinabi ni Usec. Valte na naiintindihan niya ang senador dahil si de Lima ang nanguna sa paghahain ng kaso laban sa kanya na may kaugnayan sa Dacer-Corbito murder case.

“Kasi we understand that si Sen. Lacson has concerns and ang Commission on Appointments po is the appropriate venue for the senator to raise his concerns against any appointee of the President—I think, in this case, si Sec. De Lima—and we respect his decision to do so,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply