MALAMIG NA LANGIT (Ika-67 labas)

“HINDI ka pa ba solb?” gulat na tanong ni Charlene kay Bernard.

“Hindi pa!”

“Manyak ka pala, e!”

“Hindi naman masyado. Sobrang energetic lang talaga ako kaya pang-marathon ang kapasidad ako pagdating sa kama,” nakatawang sagot ni Bernard.

Hindi nagsalita si Charlene.

Nang may matigas na bagay na sumundot sa kanyang tagiliran.

Binalingan ng babae ang lalaki.

“Tatatluhan mo na naman ako? Baka hindi ko na kayanin!” sabi ni Charlene kay Bernard.

“Kahit isa na lang. Para hindi naman ako masyadong mabitin,” sagot ng binata.

Pinagbigyan ng babae ang lalaki.

Niromansa nang konti ni Bernard si Charlene para buhayin ang init sa katawan nito …

Nang maramdamang kinikilig na ulit ang babae, hangos niya na itong pinatungan …

Isang round lang ang usapan nila pero ang tagal …

Gulay na ang kanyang pakiramdam at ngalay na ang kanyang balakang sa pagkabukaka ay tuloy pa rin ang paghataw ni Bernard.

Hindi na nakatiis si Charlene …

“T-Tama na. Hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako,” reklamo ng babae.

Saka pa lang nagpaputok si Bernard.

Nang bumaba sa ibabaw niya ang binata, naidlip sa pagod ang babae.

Kung hindi siya ginising ng binata, baka natuluyan na siyang makatulog hanggang umaga.

Balikwas siya ng bangon nang sabihin ni Bernard na alas-onse na ng gabi.

Sabay silang nagbihis.

“Bakit hindi mo kaagad ako ginising?” sumbat niya sa lalaki.

“Ang sarap kasi ng tulog mo, e. Gusto kong makapahinga ka muna bago tayo umuwi,” sagot naman ni Bernard.

Hindi na umimik si Charlene.

Ilang saglit pa at lulan na sila ng elevator pababa ng otel …

Napaunat sa pagkakaupo si Romano sa loob ng pinaghihintayang kotse nang makitang palabas na sina Charlene at Bernard.

Hangos niyang inihanda ang kanyang digital camera …

Tumingin pa ang dalawa sa kotse na kanyang kinaroroonan pero dedma lang.

Aakalain ba anila na si Romano ang nakasakay sa lumang kotse?

Nagyakap at naghalikan pa ang dalawa bago sumakay sa kani-kaniyang kotse na matagumpay namang nakunan ni Romano.

Unang umalis si Charlene …

Kasunod niya si Bernard …

Ang lalaki ang sinundan ni Romano.

Gusto niyang malaman kung saan umuuwi ang kalaguyo ng asawa.

Mabilis ang pagmamaneho ni Charlene habang papauwi …

Akala kasi niya, nakauwi na si Romano.

Habang daan, nag-iisip siya nang idadahilan kung ano ang ikakatwiran sa asawa oras na magtanong.

Laking tuwa niya nang makitang wala sa garahe ang kotse ng asawa.

Ibig sabihin, hindi pa umuuwi si Romano.

Hindi na nila binulahaw pa ang mag-asawang kasambahay.

Ginamit niya ang sariling susi sa pagpasok.

Nang makapasok sa kanyang kuwarto, hangos siyang nag-hot shower para mapreskuhan ang pakiramdam at mawala ang anumang ebidensiya na ibinunga ng ginawang kasalanan.

Matapos maligo, hangos siyang nagpatuyo ng buhok at nagsuklay saka nahiga sa kama at natulog.

Pauwi na si Romano sa mga sandaling iyon.

Alam na niya kung saan nakatira si Bernard.

Kapag dumating na ang oras ng pagtutuos, alam na niya kung saan siya pupuntahan. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply