MALAMIG NA LANGIT (Ika-68 labas)

TULOG na tulog na si Charlene nang dumating si Romano sa kanilang bahay.

Anyong pagod na pagod ang asawa.

Sa ayos ng babae, kahit may bombang sumabog sa kanyang tabi ay hindi magigising.

Napapailing na nagpalit ng damit pantulog si Romano.

May nararamdaman na siyang pandidiri sa asawa.

Parang ayaw na niyang tumabi kay Charlene sa pagtulog.

Pero ayaw niyang makahalata ang asawa kaya nahiga pa rin siya sa kamang tinutulugan nito.

Dahil tuloy-tuloy ang pagtulog, maaga pa ring nagising ang babae.

Nakita niyang tulog pa si Romano.

Naligo muna siya …

Nang lumabas siya sa banyo at tulog pa rin ang asawa, naisipan na niyang gisingin.

Anyong tinatamad na nagmulat ng mga mata ang lalaki.

“Baka ma-late ka ng pagpasok sa ospital,” paalaala ni Charlene.

Marahang bumangon ang lalaki …

Pumasok sa banyo at naligo …

Bumaba na naman ang babae at una nang nag-almusal.

Nagtataka tuloy si Aling Melinda kung bakit hindi hinintay ang asawa sa pagkain pero hindi siya nagtanong.

Tapos nang kumain si Charlene nang bumaba si Romano.

Nakabihis na.

“Love, mauuna na akong umalis sa iyo. May importante akong gagawin sa ospital,” dahilan ng babae sabay halik sa pisngi ng lalaki at umalis na.

Hindi siya pinansin ni Romano at naupo na sa harap ng mesa para mag-almusal.

Hangos na palabas na ng pintuan si Charlene para magtungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse nang
mapuna ang lumang kotse na kulay dilaw na nakaparada malapit sa kanyang kotse.

Wala ang kotse ni Romano.

Hangos tuloy siyang bumalik sa loob.

“Love, kanino iyong lumang car na nakaparada sa labas? At nasaan ang kotse mo?” takang tanong ni Charlene sa asawa.

“Kotse ni Louie iyon. May importante siyang nilakad kaya nagpalit muna kami ng car. Alam mo namang binata pa ‘yung tao at may nililigawan na gustong pasiklaban,” hindi tumitingin sa asawa na dahilan ni Romano.

Hindi na nagtanong pa si Charlene.

Nag-iisip na umalis.

Hindi matapos-tapos ang kanyang pag-iisip habang lulan ng kanyang car at nagmamaneho patungo sa
pinapasukang ospital.

Hanggang sa biglang pumitik sa kanyang isipan kung saan niya ito nakita.

Sa carpark ng otel kung saan sila nag-check in ni Bernard.

Naka-park ito malapit sa kinapaparadahan ng kanyang kotse.

Tiningnan pa nga niya ito pero hindi pinag-ukulan ng pansin dahil lumang modelo na at hindi niya kilala kung sino ang may-ari.

Bigla tuloy siyang kinabahan na nakasakay dito ang asawa at sinusubaybayan siya.

Ang nabuong hinala ay hindi niya natiis na hindi ipaalam kay Bernard.

Tinawagan niya ito sa pamamagitan ng cellphone.

Tulog pa ang binatang balikbayan nang dumating ang call niya.

Pero dahil sa ingay ng telepono ay nagising ito at napilitang sagutin ang kanyang tawag.

“A-Ang aga mo namang tumawag, Charlene? Bakit ba?” tinatamad na tugon ng lalaki.

“May gusto lang akong i-remind sa iyo. Natatandaan mo ba ‘yung lumang kotse na kulay dilaw na nakaparada malapit sa car natin kagabi sa carpark ng otel?” tanong ng babae.

“Oo. Bakit ano ba ang problema tungkol sa kotse na iyon?”

“Ganoon kasi ang kotse na gamit ni Romano. Ang dahilan niya, nagpalit muna sila ng kotse ng kaibigan niyang doktor dahil may pinopormahan itong babae.”

Nawala ang antok ni Bernard dahil sa narinig. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply