MALAMIG NA LANGIT (Ika-69 labas)

“SURE ka ba na ‘yung car na nakita mo sa carpark ng otel, iyon din ang nakita mo na car na nakaparada sa garahe ng house ninyo?” tanong ni Bernard kay Charlene.

“Ganuong-ganoon ang kulay at hitsura hindi ko nga lang nakita kung ano’ng modelo” sagot naman ng babae.

Saglit na nag-isip si Bernard …

“Parang imposible naman na nasundan kaagad tayo ng asawa mo at naisipan pang gumamit ng ibang sasakyan para masubaybayan tayo. Baka coincidence lang ang nangyari. At dahil guilty ka, naisipan mong nabuko na tayo,” maya-maya’y sabi ng lalaki.

“Sana nga!” kabadong sagot naman ni Charlene.

Sa puntong ito natapos ang kanilang pag-uusap.

Nagpatuloy na sa pagbibiyahe si Dra. Gorospe patungo sa ospital.

Itinuloy na naman ni Bernard ang pagtulog.

Nasa bahay pa rin nila si Romano sa mga sandaling iyon.

Pinapanood ang mga kuha niya kagabi.

Lumungkot at sumama ang kanyang loob sa napanood.

Nagbihis na siya para pumasok ng ospital.

Pero nang nagbibiyahe na siya, naisipan niyang ipa-develop ang mga kuha sa kanyang digital camera.

May naraanan siyang developing machine …

Wala pang ten minutes at dala na niya ang mga kopya …

Nakalagay ito sa isang envelope.

Nag-iisip si Romano habang patungo sa pinapasukang ospital.

Kung sapat na ang kanyang mga ebidensiya para isumbat kay Charlene.

At kung handa na siya sa maaaring ibunga ng gagawin.

Nakarating siya ng ospital na hindi pa nakakabuo ng matatag na pasiya.

Pagdating niya rito, nagpalit na sila ng susi ng kotse ni Louie.

Pagpasok naman ni Romano sa ospital, napasabak kaagad siya ng trabaho.

May fifty-fifty na pasyente na dumating ang agarang nangangailangan ng surgical operation ang hinarap ni Dr. Santamaria.

Matagal ang operation …

Dalawang oras na ang nakakalipas ay hindi pa lumalabas ng operating room si Romano.

Naisipan naman ni Louie na puntahan ang kanyang kotse.

May gamit siya na gustong ilagay dito.

Pagpasok niya rito, may nakita siya rito na envelope na may tatak na Kodak.

Hindi ito sa kanya kundi kay Romano na natitiyak lamang na nalimutan sa loob ng kanyang kotse.

Dinala niya ito para ibigay sa kaibigan pagkatapos ng operating room.

Pumasok siya sa doctor’s Quarters para ilagay sa drawer ng table ng kaibigan ang nasabing envelope.

Eksaktong nakapuwesto na siya sa likurang bahagi ng table ni Romano nang biglang pumasok si Charlene.

“Ano iyan?” tanong ni Dra. Gorospe.

“Hindi ko alam kung ano ang laman. Naiwan niya sa kotse ko. Ilalagay ko sa drawer niya para hindi ko madala pag-uwi ko mamaya,” sagot ni Louie at umalis na.

Naupo sa harapan ng table ni Romano ang asawa.

Gusto niyang magdidikit sa asawa bagay na hindi niya ginagawa kapag magkasama sila sa ospital.

May kasalanan kasi siya na gustong pagtakpan.

Nang maisipan niyang buksan ang drawer ni Romano.

Gusto niyang malaman kung ano ang laman ng envelope na inilagay dito ni Louie.

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Pangalan ni Bernard ang rumehistro sa LCD ng kanyang cp.

“Narito ako sa ospital. Bakit ka tumawag?” mailap ang mga matang tanong ng babae.

“Itatanong ko lang kung magkikita tayo mamaya?” tanong ng binata sa kabilang linya.

“Ano ka ba? Hindi puwede! Next time na lang. Hindi ako komportable sa nangyayari. Baka alam na ni Romano ang tungkol sa ating dalawa at kumukuha lang siya ng tiyempo para hulihin tayo,” halos paanas na sagot ng babae. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply