MALAMIG NA LANGIT (Ika-70 labas)

“IKAW ang bahala. Call me na lang kung kailan ka puwede,” sagot ni Bernard at pinindot na ang endline ng kanyang cp.

Natapos ang kanilang pag-uusap.

Sa puntong ito naisipang ituloy ni Charlene ang pakikialam sa envelope na inilagay ni Louie sa drawer ng asawa.

Marahan niya itong binuksan …

Wala siyang kamalay-malay na kuha nila ni Bernard ang mga laman nito.

Sa unang picture pa lang na bumulaga sa kanya, nanlaki ang mga mata at sinaklot ng pagkagimbal ang babae.

Kuha nila ito ni Bernard habang kumakain sa restoran ng otel na kanilang pinasok para mag-check in.

Ang sumunod na larawan ay kuha naman nila ng binata habang magkahawak kamay sila pasakay sa elevator para magtungo sa nakareserbang silid para sa kanila.

Ang pangatlong larawan ay sa carpark habang naghahalikan sila ng dating kasintahan bago maghiwalay.

Nanginig sa pagkagimbal ang katawan ni Charlene sa natuklasan.

Hindi siya nagkamali ng kutob …

Kumpirmado na niya ngayon na nasundan sila ni Romano sa otel kung saan sila nagpakasawa sa kaligayahan ni Bernard.

Nataranta ang babae …

Hindi malaman ang gagawin …

Ngayong alam na ng asawa ang lahat, parang wala ng mukha siyang ihaharap pa rito.

Hangos niyang isinara ang drawer …

Paglabas niya ng pintuan, siya namang pagdating ni Romano.

Anyong katatapos lamang mag-opera …

May tilamsik pa ng dugo sa suot na surgical dress …

Biglang namutla si Charlene …

Hindi makatingin nang tuwid sa asawa.

Takang-taka tuloy si Romano sa inasal ng babae …

Habol niya ito ng tingin habang nagmamadali patungo sa kanyang clinic …

Pumasok muna si Dr. Santamaria patungo sa Doctor’s Quarters at nagpalit ng suot bago sinundan ang asawa sa kanyang klinika.

Nars lang ang inabutan niya rito.

“Biglang umalis si doktora, dok. Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?” takang tanong ng nars na si Ludy.

“Nakasalubong ko nga siya galing sa Doctor’s Quarters pero nagmamadali at halos hindi na ako pinansin. Sinundan ko siya rito para tanungin pero nakaalis na pala. Ano kaya ang problema babaeng iyon?” sagot ni Romano.

Napapakamot sa ulong bumalik na si Romano sa Doctor’s Quarters.

Pagpasok niya rito, nadatnan niya si Louie.

“Pare, may nakalimutan kang envelope sa kotse. Inilagay ko na sa drawer mo,” sabi ng kaibigan.

Sa puntong ito biglang natigilan si Dr. Santamaria.

Naalaala ang reaction ng asawa kanina …

Nagmamadali …

Humahangos …

Parang nakakita ng multo …

Hangos niyang tinungo ang kanyang drawer at binuksan.

Nagkalat ang mga larawan na hindi na nagawang ibalik sa loob ng envelope.

Bigla niyang naisip, malamang na pinakialaman ni Charlene ang envelope at nakita ang mga kuha nila ni Bernard.

Ang mga ito ang dahilan kaya parang natakot sa kanya ang asawa at nagdudumaling umalis.

Napailing-iling na lang si Romano.

Wala pa siyang planong bukuhin ang asawa sa ginagawang paglalaro ng apoy pero tadhana na ang gumawa ng paraan.  Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply