MALAMIG NA LANGIT (Ika-72 labas)

NAGDESISYON ang mga magulang ni Charlene na sabihin na sa kanilang manugang ang totoo.

“Nanggaling dito si Charlene kagabi pero umalis din matapos magpaalam,” malungkot na sabi ni Mrs. Gorospe.

“S-Saan daw ho siya pupunta?” kunot-noong tanong ni Romano.

Nagkatinginan muna sina Colonel Gorospe at ang kanyang misis bago nagsalita.

“Hindi na raw siya babalik sa iyo!” malungkot na tugon ng biyenang babae.

Napaawang ang bibig ni Romano pero walang lumabas na kataga.

Ang opisyal na ng PNP ang nagdugtong sa sasabihin ng asawa.

“Bago umalis si Charlene, nagtapat siya sa amin. Hindi na raw niya kayang makisama pa sa iyo.

Sinisisi pa nga niya ang kanyang sarili kung bakit pinilit ka niya na pakasalan mo siya. Hindi raw kayo compatible in so many ways,” sabi ni Colonel Gorospe.

“I understand. May sakit kasi ako at hindi ko na maibigay ang kanyang pangangailangan,” garalgal ang tinig na sabi ni Dr. Santamaria. “Sana’y tama ang ginawa niya at sana’y lumigaya siya.”

“Please forgive our daughter,” pakiusap ni Mrs. Gorospe.

“Huwag kayong mag-ala-la. Hindi ako nagagalit sa kanya. Ang masasabi ko lang sa ginawa niya, siya ang nagsara ng pintuan para sa aming dalawa. Kung sakali, hindi ko na siya matatanggap kung maiisipan niyang magbalik,” nakangiting sagot ni Romano.

Hindi umimik ang mag-asawa…

Nagpaalam na si Romano …

Kinamayan niya ang mga magulang ni Charlene bilang pagpapakita ng pagkamaginoo sa kabila ng nangyari.

Napailing-iling na lang si Colonel Gorospe nang umalis na si Romano.

Labis ding nalungkot ang huli sa nangyari.

Unang-una, malaking kabawasan sa kanyang pagkalalaki ang ginawa ni Charlene.

Sinuman na iwan ng kanyang asawa, ang lilitaw na dahilan ay mahina siyang klase.

Ganoon ang siguradong magiging impresyon sa kanya ng marami.

Oras na kumalat sa ospital ang ginawang pag-iwan sa kanya ni Charlene, tiyak na siya ang laging magiging paksa.

Lihim na pagtatawanan …

Parang gusto tuloy niyang magbakasyon sa trabaho.

Sa mga sandaling iyon, magkasama na sina Charlene at Bernard sa condo ng binata.

Hindi pa alam ng lalaki ang paglalayas ng babae.

Ang tanging alam niya, uhaw si Charlene at gustong magpadilig sa kanya.

Kaya ibinigay niya ang pangangailangan ng una.

Halos umusok ang kanyang kama sa init ng pagtatalik ng dalawa.

Mistulang balon si Charlene na ang hirap punuin …

Pero matiyaga si Bernard sa pagsasalin…

Hindi niya tinigilan ang doktora hangga’t hindi nagsasawa.

Binusog niya ito nang husto sa kaligayahan …

Hinayaan niyang ang babae na ang magsabi na fully loaded na siya.

Makalipas nga ang ilang round at sumuko na rin si Charlene.

Tigas na lihim na pasasalamat ni Bernard …

Malapit na kasi siyang maubusan ng bala …

Sagad na sagad na ang kanyang pakiramdam …

Huling putok na kasi ang pakakawalan niya.

Ilang saglit pa’t kapwa na sila humihingal na nagpahinga.

Hanggang sa bumalik sa normal ang kanilang sarili.

“Dito ka na ba matutulog?” tanong ni Bernard kay Charlene nang maramdamang wala ng balak umalis ang babae.

Gulat ang binata sa isinagot ng babae.

“Hindi na ako uuwi sa amin. Sa iyo na ako makikisama!” aniya.

Biglang napabangon si Bernard.

“May asawa kang tao. Nagbibiro ka ba?” gulat na tanong ng binata.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply