MALAMIG NA LANGIT (Ika-73 labas)

“SERYOSO ako. Iniwan ko na si Eugene para sa iyo na makisama,” pormal na sabi ni Charlene kay Bernard.

“H-Hindi mo naiintindihan ang ginawa mo. Baka nabibigla ka lang sa iyong desisyon!”

“Nakapagpasiya na ako. Saka bakit ka ba nagulat sa ginawa ko? Hindi ba’t once ay sinabi mo sa akin na iwan ko na si Eugene at sumama na ako sa iyo sa pagbabalik mo sa Amerika?”

Napahawak sa batok si Bernard.

Joke lang ang sinabi niya kay Charlene pero akalain ba niyang papatulan ng babae.

Paano niya ito isasama pabalik sa Amerika ay may kinakasama siya rito?

“Bakit hindi ka magsalita?” tanong ng babae sa lalaki nang mapuna ang pag-aatubili nito.

“Ano pa ba ang magagawa ko ay nakapagdesisyon ka na!” sagot ni Bernard.

Inaya niyang lumabas ng kuwarto si Charlene.

Nagugutom siya …

Hindi pa kasi sila naghahapunan.

Hindi sanay sa gawaing kusina ang babae palibhasa’y doktora.

Nag-order na lang ang lalaki ng lutong pagkain sa restoran sa ibaba ng condo building.

“Hindi na ako babalik sa ospital. Tiyak na pag-uusapan ako ng mga tao roon dahil sa ginawa konng pag-iwan kay Eugene. Kailan mo ba binabalik na bumalik sa ibang bansa?” tanong ng babae sa lalaki.

Bago nakasagot si Bernard, biglang nag-ring ang telepono sa salas.

Hangos na tumayo ang binata sa harap ng pagkain at tinungo ang tumutunog na telepono.

Overseas call ang tawag …

Alam na ni Bernard kung sino ang tumawag.

Ang live in parner na si Fiona sa Kansas City.

Isang Fil-Am beauty.

“Nami-miss na kita nang husto, Bernard. Kailan ka ba babalik dito?” tanong ng babae.

“Malapit na. Wait ka lang,” sagot ng binata.

“Bilisan mo! Kapag nainip ako, susundan kita riyan sa ‘Pinas!” nag-aapurang sabi ni Fiona.

“Huwag mong gagawin iyan dahil baka magkasalisi tayo!” sabi ng binata.

“Kung gayun, umuwi ka na rito. Ano ba ang ginagawa mo riyan at nagtatagal ka?” tanong ng babae.

“May inaasikaso lang ako rito. Ang minana kong lupa sa mga magulang ko,” dahilan ni Bernard.

Natapos ang kanilang pag-uusap.

Bumalik na si Bernard sa komedor.

“Sino ba ang kausap mo at parang problemado ka kanina?” tanong ni Charlene nang umumpok na sa kanya ang binata.

“Boss ko sa pinapasukan kong trabaho sa Amerika. Nagtatanong kung kailan ako babalik dito,” dahilan ng binata.

“Kailan ka ba talaga lilipad patungong US para makapaghanda na ako?”

“Malalaman mo rin!” sagot naman ni Bernard.

Nagpatuloy na sila sa pagkain.

Sa mga sandaling iyon, nakauwi na sa kanilang bahay si Eugene.

Hindi siya makakain.

Sumubo lang siya ng ilan at umakyat na sa itaas para magtungo sa kanyang kuwarto.

Ini-on niya sa pamamagitan ng remote control para manood ng palabas …

Gusto niyang makalimutan ang problema …

At para makumpleto ang ginagawa, tumayo siya at nilapitan ang kanyang personalized ref …

Kumuha ng beer in can at nagsimulang uminom-inom habang nanonood ng palabas sa telibisyon.

Nang biglang sumilid sa kanyang isipan si Almira …

Matagal-tagal na rin siyang walang balita sa dalaga …

Ngayong malaya na siya kay Charlene, puwede na niyang harapin ang napabayaan niyang relasyon nilang dalawa.

Pero hindi niya maiwasang kabahan …

Biglang nagsumiksik sa kanyang isipan ang mga tanong …

Like paano kung wala na pala siyang babalikan kay Almira?

Dahil napabayaan niya ang dalaga, paano kung naisipan niyang pumatol sa iba? Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply