MALAMIG NA LANGIT (Ika-74 labas)

DASAL ni Eugene na sana’y malaya pa si Almira.

Sa totoo lang, ang dalaga talaga ang balak niyang pakasalan.

Natakot lang siya sa opisyal ng PNP na father ni Charlene na nagbabantang may masamang gagawin oras na hindi niya panagutan ang anak nito na kanyang nabuntis.

Para makatiyak, isang araw na walang pasok ay pupuntahan niya si Almira sa Dagupan.

Pinanindigan ng binata ang kanyang pangako.

Hindi lang niya hinintay na dumating ang kanyang day off kundi talagang nag-leave siya ng ilang araw para maging maluwag ang pagpunta niya sa Dagupan City.

First thing in the morning nang araw na iyon ay nagbibiyahe na si Romano.

Pupuntahan na niya si Almira.

Ang una niyang pinuntahan, ang apartment na dati nilang tinitirahan.

Nanlumo siya sa natuklasan …

Hindi na ang dalaga ang nakatira rito …

Iba na …

At hindi nila masabi kung saan nakatira ang naunang omookupa rito.

Hindi niya malaman kung saan pupunta.

Hanggang sa maalalala niyang nagbukas ang dating nobya ng KTV Bar kung saa’y ang kasosyo ay ang dating kaibigan na si Donna.

Pero hindi niya alam kung saan ito nakapuwesto at kung ano’ng pangalan ng kanilang KTV Bar.

Binaybay niya ang kahabaan ng mga beerhouse …

Patanong-tanong …

Walang makapagbigay sa kanya ng malinaw na kasagutan.

Hindi nila kilala si Almira at si Donna.

Inabot siya ng gabi sa paghahanap …

Naghanap muna siya ng otel na matutuluyan.

Nang makakuha, naligo siya at nagbihis tapos ay lumakad na naman.

Isang maganda at mukhang bagong KTV Bar ang naisipan niyang pasukin …

Malaki ito …

May lugar para sa mga gustong mag-sing-along at meron naman para sa gustong busugin ang mga mata sa naggagandahang at batambatang dancer na nagsasayaw sa stage.

Kinausap niya ang waiter na nagsisilbi sa kanya …

Tinanong niya kung sino ang owner ng nasabing establisimyento.

“Dalawang babae na parehong maganda ang may-ari ng KTV Bar na ito, Sir,” sagot ng waiter.
Kinabahan si Romano.

“S-Sino sila?” sabik niyang tanong.

“Sina Mam Almira at Mam Donna po!”

Biglang napatayo ang binata.

“S-Saan ko sila puwedeng makita? Kaibigan ko si Almira at gusto ko siyang makita!” sabik niyang sabi sa waiter.

“Sumunod po kayo sa akin!” sabi ng tagapagsilbi.

Dinala siya nito sa opisina ng manager.

Kumatok muna ito bago pumasok …

Si Donna lang ang nasa loob …

“May naghahanap po kay Mam Almira. Taga-Maynila po siya at kaibigan daw ni Mam,” sabi ng waiter sa dinatnang amo.

“Papasukin mo!” sagot naman ni Donna.

“Puwede na raw po kayong pumasok, Sir!” sabi ng waiter kay Romano.

Marahang pumasok ang lalaki.

Hindi niya kilala si Donna at hindi rin siya kilala ng babae.

“Sino ho kayo at ano ang kailangan mo sa kaibigan ko?” tanaong ng babae sa lalaki.

“Ako si Romano … Dr. Romano Santamaria. Nasaan si Almira? Importante na makausap ko siya!” sabik niyang sabi.

“I-Ikaw ang dating nobyo ng kaibigan ko?” hindi makapaniwalang tanong naman ni Donna. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply