MALAMIG NA LANGIT (Ika-75 labas)

“AKO nga ang dating nobyo ni Almira. Nasaan siya?” sabik na tanong ni Romano.

“Hindi siya pumasok. Buntis kasi. Laging masama ang pakiramdam,” sagot ni Donna.

“Saan ko siya matatagpuan?”

“Sa bahay. Doon ko na siya pinatira. Naaawa kasi ako sa kanya. Lagi siyang malungkot nang iwan mo at magpakasal ka sa ibang babae. Baka kung ano pa ang maisipan niyang gawin kaya isinama ko siya. But she’s okey now. Nakarekober na siya at masaya na siya ngayon!”

Napamaang si Romano.

“Kung hinahanap mo siya para balikan, palagay ko’y huli ka na!” nakangiting dugtong ni Donna.

Pakiramdam ng lalaki ay para siyang sinuntok sa dibdib dahil sa narinig.

Sa mga sandaling iyon, inip na inip na si Charlene sa pagbabalik ni Bernard.

Maagap kasi siyang umalis kaninang umaga pero mag-aala-10:00 na ng gabi ay hindi pa nagbabalik.

Kapag tinatawagan niya ang cellphone ng binata, hindi niya malaman kung busy o naka-off.

Lagi kasing ang naririnig niyang sagot … ‘the number you dial is out of coverage area.’

Nagutom ang babae sa paghihintay …

Napilitan siyang kumaing mag-isa.

Katatapos lang niyang kumain at kasalukuyang nagpapahinga nang biglang mag-ring ang telepono sa kanyang kalapit.

Overseas call …

From USA …

Taka si Charlene kung sino ang tumawag sa kanya mula sa ibayong dagat.

Nagulat siya nang makilala kung sino ang caller …

Si Bernard.

“Bakit nariyan ka na pero hindi mo ako isinama?” gulat na tanong ng babae.

“I’m sorry kung umalis ako na hindi nagpapaalam sa iyo, Charlene. Hindi kasi kita puwedeng isama dahil may asawa na ako rito ….” patuloy ni Bernard.

Marami pang sinasabi ang lalaki pero hindi na naiintindihan ng babae …

Wala na siyang naririnig ….

Malakas ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata …

Niloko pang pala siya ng kanyang kababata …

Paano na siya ngayon?

PATULOY pa rin sa pag-uusap sina Romano at Donna sa opisina ng huli.

“May guy na nanliligaw kay Almira. Kahit alam niya na nabuntis ang kaibigan ko ng ibang lalaki, handa pa rin niyang pakasalan. Katunayan, sagot na lang niya ang kanyang hinihintay.”

Biglang nanlambot ang lalaki sa nalaman.

“Kumusta naman ang marriage life mo?” naisipang itanong ni Donna kay Romano.

Malungkot na ngumiti ang huli sabay iling.

“What do you mean by that?”

“Wala na kami ng asawa ko. Pero hindi ako ang tumapos kundi siya!” sagot ni Romano.

“A-Ano’ng nangyari?”

“Iniwan na niya ako at sumama sa ibang lalaki.”

Natigilan si Donna.

Tumayo na si Romano.

“Well … dapat na siguro akong umalis. Salamat sa panahong ibinigay mo sa akin,” nakangiting sabi ng lalaki sa babae.

“S-Saan ka pupunta?”

“Babalik na ako ng Maynila!”

“Hindi mo na ba pupuntahan at kakausapin si Almira?”

“Hindi na siguro. Pakisabi na lang na nagpunta ako rito. Hangad ko ang kanyang kaligayahan,” sabi ni Romano.

Nang lumabas na ng kanyang opisina si Romano, mabilis na dinampot ni Donna ang telepono sa ibabaw ng kanyang mesa.

Tatawagan niya ang kaibigang si Almira.

Nakasakay na si Romano sa kanyang SUV nang biglang tumunog ang cellaphone nakapatong sa
headboard ng sasakyan.

Dinampot niya ito para alamin kung sino ang caller. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply