MALAMIG NA LANGIT (Ika-81 labas)

“MAGALING KANG SIRUHANO PERO HINDI MO NAILIG-TAS SI RANDY! PINATAY MO SIYA, ROMANO!” malakas na sigaw ng babae.

Hindi na lang siya nag-salita.

Tungo ang ulong dumiret-so na sa doctor’s quarter …

Dito niya pinalaya ang kanyang damdamin.

“Lord, bakit mo hinayaang sa mga kamay ko mamatay si Randy? Gusto ko siyang mabuhay para kay Almira at sa aming anak,” nangingi-puspos niyang pagdadalamhati.

Sa ganitong ayos siya na-datnan ni Louie.

“Huwag mong sisihin ang iyong sarili sa nangyari. Alam kong ginawa mo ang lahat para iligtas ang pasyente pero hindi natin hawak ang buhay niya. Nasa Diyos pa rin ang huling desisyon kung pahihintulutan siya na humaba pa ang buhay,” sabi ng kaibigan.

Sa lamay ni Randy, dumalo ang siruhano pero ayaw siyang palapitin sa kabaong nito.

“Pinatay mo siya. Walang dahilan para magpakita ka pa rito, Romano,” galit na sabi ni Almira.

Si Donna ang nakaunawa sa sitwasyon, siya na lang ang humingi ng dispensa sa lalaki.

“Binulag siya ng sama ng loob kaya mahirap ka niyang maintindihan ngayon. Pero darating ang araw na mauunawaan ka rin niya,” sabi ng dalaga.

Ngumiti na lang si Romano at umalis na.

Nang makamatay ng pas-yente, humingi siya ng inde-finite leave.

Tinamad na siyang magtrabaho …

Wala siya sa mood …

Ayaw niyang pilitin ang sarili dahil baka muli lang siyang makamatay ng pasyente.

Pero sa kanyang pagbabakasyon, laging bote ng alak ang hawak niya …

Naglalasing sa sama ng loob …

Hindi niya matanggap na nakamatay siya ng pasyente na gustong-gusto niyang mabuhay.

Para sa kanya, sira na ang kanyang career.

Isang araw na nag-aantok na sa kalasingan ang binata, lumapit sa kanya ang matandang kasambahay.

“May bisita ka, iho,” sabi ni Aling Melinda.

“P-Patuluyin mo po,” hindi nagmumulat ng mga mata na sagot ni Romano.

May narinig siyang papalapit na taguktok ng sapatos pero hindi pa rin siya nagmulat ng mga mata.

Nag-aagaw antok na siya dahil sa dami ng alak na nainom.

Pero narinig pa rin niya ang boses nang dumating na panauhin.

“Kumusta ka na, Romano?” sabi nito.

Marahang iminulat ng la-laki ang namimigat na mga mata …

Anyo ng isang babae ang nagkahugis sa kanyang paningin …

Malabo …

Nanghula na lang siya …

“I-Ikaw ba iyan, Almira?” tanong niya.

“Hindi!”

Kinusot-kusot ni Romano ang kanyang mga mata para luminaw ang paningin.

Hanggang sa makilala niya ang dumating na panauhin.

“C-Charlene!” sambit niya.

“Ako nga!” nakangiting tugon ng asawa.

Tumigas ang mukha ni Romano.

“Bakit ka narito? Huwag mong sabihing babalik ka na rito sa bahay ko?’ tanong niya.
“Hindi!” may kasamang iling na sagot ng babae.

“So, why you’re here?”

“Nagpunta ako rito para humingi ng tawad at magpaalam!”

Nawala ang antok ni Romano.

“S-Saan ka pala pupunta?”

“Since hopeless na ang marriage natin, naisipan kong lumayo. Magbabakasakali ako na sa lugar na pupuntahan ko ay makapag-move on ako at makapagbagong buhay.”

Kahit galit siya sa asawa, hindi rin naiwasang malungkot ni Romano sa tuluyan nilang paghihiwalay. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply