MALAMIG NA LANGIT (Ika-82 Labas)

“NALULUNGKOT ako sa nangyari sa ating relasyon pero hindi na ako maghahabol. Ang gusto ko lang, magkasundo tayo bago ako umalis. Puwede pa ba tayong maging kaibigan?” sabi ni Charlene kay Romano.

Hindi sumagot ang huli ….

Tumingin lang sa babae ….

Iniabot ni Charlene ang kanyang kamay sa lalaki.

“Peace?” nakangiting offer ng una.

Magiging napaka-ungentleman naman niya kung hindi tatanggapin ang alok na pakikipagkaibigan ng asawa.

Nakipag-shake hands si Romano kay Charlene.

“Salamat!” sabi ng babae at tumalikod na.

Gusto niyang itago sa asawa ang pag-agos ng masaganang luha mula sa mga mata.

Naiwang nag-iisip si Romano …

Kung tama ba ang kanyang ginawa na gawing permanente ang pakikipaghiwalay kay Dr. Gorospe.

Para kasing lumalabas na hindi siya marunong magpatawad.

Dahil kung ang Diyos nga ay nagagawang magpatawad, bakit siya ay hindi?

Tao lang siya na Diyos ang lumikha.

Kahit mali, binigyan niya ng katwiran ang sarili.

Hindi sila magka-level ng Diyos.

Hindi magkasing lawak ang pang-unawa …

Gayun din pagdating sa katwiran.

Ipinagpatuloy niya ang pag-inom.

Hindi na sa baso kundi sa mismong bote na …

Dahil dito, natuluyan siyang nalasing at nakatulog.

Isang araw, dumating sa kanya ang balita na lumipad na patungong Canada si Charlene.

Dito na raw niya ipa-practice ang kanyang propesyon bilang doktor.

Kung babalik pa siya ng Pilipinas, hindi niya masabi.

Makalipas ang ilang araw, ang kaibigang doktor na si Louie naman ang naging bisita niya.

Nakikiusap na bumalik na siya sa ospital.

“Hindi lang ikaw ang siruhano na namatayan ng pasyente sa isinasagawa nilang operasyon. Kahit sa ibang bansa ay nangyayari iyan at hindi kayo puwedeng sisihin.
Hindi kayo Diyos para magtakda nang buhay ng kanyang mga kinapal. Namatayan ka man ng isang pasyente, marami naman ang iyong nailigtas at iyon ang mahalaga, pare,” paliwanag ni Louie sa nalalabuan pang isipan ng kaibigan.

Bahagyang ipinilig ni Romano ang kanyang ulo.

“Konting sintemyente lang ito pero mawawala rin. Babalik din ako sa trabaho, pare,” pangako ng una.

Masayang tumayo si Louie para umalis na.

“Aasahan ko ang pangako mo, pare. Kailangan talagang bumalik ka dahil kailangan ka namin doon,” aniya.

Mahigpit silang nagkamayan bago umalis ang kaibigan.

Tinotoo ni Romano ang kanyang pangako na babalik siya sa kanyang trabaho.

After two days, lumutang na siya sa ospital.

Tuwang-tuwa ang mga kasamahang doktor at nurses.

Ni hindi na nila napag-usapan si Dra. Gorospe dahil baka manariwa lang ang sugat ng puso ni Romano.

Alam niya kung gaano kasakit sa huli ang ginawang pagtataksil ng asawa.
Pero nakarma siya.

Bago niya nalaman na ang lalaking ipinagpalit niya kay Romano, bukod sa kanya ay may ibang inaasawa.

Sa paglipas ng mga araw at buwan, pilit namang ginampanan ng siruhano ang kanyang trabaho hanggang sa makalimutan niya ang masaklap na naging kabiguan sa kanyang medicala profession.

Isang araw na day-off ni Romano, hindi niya inaasahan ang matatanggap na tawag.
Long distance ito mula kay Donna.

Ang dahilan ng kanyang pagtawag, si Almira.

May gusto siyang ibalita tungkol sa bagong kaganapan sa buhay ng kaibigan.

“Kumusta na siya?” sabik na tanong ni Romano. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply