MALAMIG NA LANGIT (Ika-83 labas)

MASAYA ang hatid na balita ni Donna sa siruhano.

“Nagsilang na si Almira ng isang malusog na sanggol na lalaki. Isa ka na ngayong ama, Romano,” sagot ng dalaga sa tanong ng lalaki.

Walang pagsidlan sa katuwaan ang huli.

“Gusto ko sana siyang dalawin para makita ang aming anak pero baka hindi niya ako tanggapin,” sabi niya kay Donna.

“Hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang takbo ng damdamin ni Almira. “But why don’t you give a try? Ama ka ng kanyang anak. Karapatan mo itong makita.”

“Sige, one day. Darating ako riyan para dalawin ang aking mag-ina.”
Sa puntong ito natapos ang kanilang pag-uusap.

Bigla niyang naalaala ang asawang si Charlene.

Halos magkasabay silang nagbuntis ni Almira.

Ano na kaya ang nangyari sa kanyang dinadala?

Isinilang kaya ni Charlene ang kanilang anak sa ibang bansa?

Bigla siyang nasabik na malaman ang balita hinggil sa dating asawa.

Pero sino ba ang tatawagan niya para tanungin?

Wala naman siyang kakilala na close ni Charlene sa bansang pinuntahan.

Nang biglang mag-ring ang nakapatong na telepono sa kanyang kalapit.

Pamilyar sa kanya ang numero ng telepono.

Telephone number sa bahay ng kanyang biyenan.

Bigla siyang nag-isip kung ano ang dahilan at naisipan nila siyang tawagan.

Para malaman kung ano ang dahilan nang pagtawag sa kanya, dinampot niya ang telepono at sinagot ang tawag.

“Hello … magandang hapon …” sagot niya.

Ang biyenang babae na si Loretta ang nasa kabilang linya.

“Ikaw pala, Mommy. Kumusta na?” masayang sabi ni Romano.

“Ikaw ang gusto kong kumustahin, iho. At may balita ako na obligado akong sabihin sa iyo kaya kita tinawagan,” sabi ng mabait na biyenan.”

“Okey na ako, Mommy. Naka-move on na ako sa ginawa ni Charlene. Ano ba ‘yung balita na gusto mong sabihin sa akin?”

“Tungkol sa asawa mo. Isang malungkot at isang masayang balita na natitiyak kong ikatutuwa mo!”

“T-Talaga? Ano naman iyon?” sabik na tanong ni Romano.

“Hindi natuloy ang pagbubuntis ni Charlene. Nakunan siya.”

Hindi naiwasan ni Romano ang malungkot sa narinig.

“Ang good news … Nag-asawa na ng Canadian ang anak ko. Ganap na ngayon ang iyong kalayaan, Romano.”

Nakabawi ang lalaki sa narinig.

Malakas na ang loob niya ngayon na dalawin si Almira.

At kung papayag lang ang babae, handa siyang ialok ang sarili sa dalaga para maging padre de pamilya matapos niyang isilang ang kanilang anak.

Matapos ang pag-uusap nila ni Loretta, tinawagan niya si Donna.

Sinabi niya ang planong pagpunta ng Dagupan para dalawin ang kanyang mag-ina.

“Sige, ako na ang bahalang magsabi sa kaibigan ko para maihanda niya ang kanyang sarili sa iyong pagdating,” sagot naman ng kaibigan ni Almira.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, ang kaibigan si Louie naman ang kanyang tinawagan.

Ikinuwento niya na nagsilang na si Almira ng isang malusog na sanggol na lalaki at ang plano niyang pagdalaw sa kanyang mag-ina.

“Sige, pare. Kami na muna ang bahala rito sa ospital habang wala ka,” masayang sagot ni Louie.

Noon din ay gumayak si Romano.

Bibiyahe na siya patungong Dagupan para dalawin ang kanyang mag-ina.

Pero habang nagbibiyahe, hindi mawala sa dibdib niya ang pag-aalaala.

Paano kung galit pa rin sa kanya si Almira at hindi pumayag na makita niya ang kanilang anak na kanyang isinilang? Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply