MALAMIG NA LANGIT (Ika-85 labas)

“MAGANDA sana kung mabubuo ang pamilya namin ni Almira. Pabor ito sa bata,” naisipang sabihin ni Romano kay Donna.

“Paano mangyayari iyon ay may asawa ka at ligal ang inyong kasal?” sagot ng babae.

“Balewala na ang kasal namin ni Charlene.”

“Bakit mo nasabi iyan?”

“Nasa ibang bansa na siya at nagpakasal na roon!”

“How do you know?”

“Ang biyenan kong babae ang mismong tumawag sa akin at kinumpirma ang pagpapakasal ni Charlene sa isang Canadian!”

“Ano ang reaction mo sa ginawa ng iyong asawa?”

“Okey lang. Hindi kami magkaaway ni Charlene. Actually, bago siya lumipad patungong Canada, nag-usap kaming dalawa. And we make peace to each other.”

Natuwa si Donna sa nalaman.

“Ano kaya ang magiging reaction ni Almira oras na malaman na malaya ka na?” nakangiting tanong ng una sa kawalan.

Makalipas ang ilan pang sandali, nagpaalam na si Romano.

Pero nakiusap siya kay Donna na tawagan siya sa araw ng baptismal ng anak.

Gusto niyang maging present sa binyag nito.

Tumango ang babae.

Matapos halikan sa pisngi ang tulog ng anak, lulan ng kanyang SUV na umalis na si Romano para bumalik ng Maynila.

Nang wala na ang lalaki, tinawagan ni Donna si Almira sa pamamagitan ng telepono.

“Puwede ka nang umuwi. Umalis na ang father ng anak mo,” sabi niya.

Hindi naman nagtagal at umuwi na ang kaibigan.

Ang anak kaagad ang inasikaso.

“Mag-dinner ka muna!” alok ni Donna kay Almira.

“Kumain na ako sa KTV Bar natin. Sa tagal umalis ni Romano rito, inabot na ako roon ng gutom kaya nagpaluto ako sa kusinero natin,” sagot ng huli.

“Alam mo, may ikinuwento siya sa akin tungkol sa asawa niyang si Charlene.”

“Pakialam ko sa babaeng iyon!” ingos ni Almira.

Hindi pinansin ni Donna ang kaibigan.

“Nasa Canada na pala siya at may asawa nang iba!” patuloy ng una.

Hindi nagsalita si Almira.

Kunwari’y busy sa pag-aasikaso sa anak pero alam ni Donna na nakikinig.

“Sabi nga ni Romano, puwede nang mabuo ang inyong pamilya kung papayag ka dahil malaya na siya,” patuloy ng babae.

Biglang binalingan ni Almira ang kaibigan.

“Bakit sa iyo niya sinasabi iyan?” asar niyang tanong.

“E, paano ka niya ito masasabi sa iyo ay ayaw mo siyang makita?”

Hindi umimik si Almira.

“Nagbigay nga pala siya ng suhestiyon na pangalan para sa inyong anak. Ipinasasabi niya ito sa iyo kung papayag ka!” patuloy ni Donna.

Tiningnan ng una ang kaibigan.”

“Isinunod niya sa pangalan niya ang name ng bata. Romano Santamaria, Jr. ang suhestiyona niya. Okey ba sa iyo iyon?” tanong ni Donna.

“Dahil lalaki ang baby namin, bahala siya. Pero kung nagkataong babae, ako ang masusunod!” mariing sagot ni Almira.

Napangiti ang kaibigan.

“Kailan mo nga pala balak pabinyagan ang bata?”

“Sa lalong madaling panahon. Gusto kong maging kristiyano kaagad ang baby ko habang maliit pa!”

“Kailan ang specific date?”

Saglit na nag-isip si Almira.

Maya-maya’y bigla niyang binalingan si Donna. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply