Malawakang disaster preparedness hiniling ni Angara

IMINUNGKAHI ni Sen. Edgardo Angara sa pamahalaan na magsagawa ng malawakang disaster preparedness para mabigyan ng sapat na kaalaman ang taumbayan upang maging handa sa anumang kalamidad na darating sa bansa.

Ayon kay Angara, mahalagang mabigyan ang mga mamamayan ng sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad para hindi sila “natataranta” kapag may nangyaring kalamidad tulad ng lindol, bagyo at sunog.

Importanteng malaman ito ng lahat upang maiwasan ang pagkawala ng buhay, lalo pa at palagian ang mga kalamidad sa bansa.

Samantala, matatandaang maliban sa bagyong Falcon ay may bago na namang binabantayang sama ng panahon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Inilikas ang mahigit 800 pamilya o mahigit 3,000 katao sa Marikina dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Ayon sa ulat, umabot sa 16.9 ang lebel ng tubig sa Marikina na ikinaalarma ng mga awtoridad, na agad namang nagpasyang  ilikas ang mga residente ng lungsod na nanganganib.

Kabilang sa mga baranggay na apektado ng pagtaas ng tubig ng Marikina River ay ang Tumana, Malanday, Sto. Niño, Concepcion Uno at Nangka.

Gayunman, nanatili pa rin sa second alarm ang Marikina River. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply