Malawakang pag-ulan mararanasan sa Southern Luzon

MAKARARANAS ng malawakang pag-ulan ang Southern Luzon na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides, babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa forecast ng Pagasa kaninang ala-singko ng umaga, may isang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) 40 kilometro ng silangan ng Calapan, Oriental Mindoro na siyang nakaaapekto sa southern Luzon, maging sa Visayas at Mindanao.

“Central and Southern Luzon, Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Southern Luzon which may trigger flashfloods and landslides,” bahagi ng report ng Pagasa.

Idinagdag pa na may moderasyon hanggang sa malakas na pag-ihip ng hangin mula sa timog-kanluran at timog-silangan ang iiral sa kabuuan ng Southern Luzon na may moderasyon hanggang sa maalon na karagatan.

Gayunman, sinabi ng Pagasa na ang kabuuan ng bansa ay magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog, partikular sa hapon at gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply