Malaysia nagtayo ng resort malapit sa Spratlys

IBINULGAR ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na nakapagtayo ng isang diving resort ang Malaysia sa isang islang malapit sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Ayon kay Estrada, bukod sa China, sinasamantala rin ng Malaysia ang kahinaan ng Pilipinas sa pagbabantay sa mga isla at reef na sakop ng Pilipinas sa Western Philippine Sea (South China Sea) kaya’t nakapagpatayo ng diviing resort sa lugar.

Sinabi ni Estrada na ang impormasyon ay ipinarating ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bukod sa pagpapalakas ng Malaysia sa kanilang istrukturang militar sa inaangking teritoryo ay nagtayo rin sila ng komersiyal na istruktura sa lugar, tulad ng beach resort.

“It has developed swallow reef into a dive resort and maintained its naval base thereat with 1,200-meter runway. It can accommodate heavy transport and aerial reconnaissance aircraft, thus, enhancing its capabilities at KIG (Kalayaan Island Group),” ayon sa report.

“On the other hand, the dive resort in swallow reef or ‘layang-layang’ island resort is part of the tourism attraction of Malaysian government, which operates between March to August every year. It can be visited via an hour’s flight from Kota Kinabalu,” bahagi ng report.

Napag-alaman pa ni Estrada na sinubukan na rin ng pamahalaang lokal ng Palawan na gawing tourist destination ang ilang isla sa KIG, subalit hinarang sila ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Noong 1984 ay isang islet lamang ang inaangkin ng Malaysia, subalit ngayon ay limang islet at reef na ang kanilang inookupahan.

Bukod sa Pilipinas, China at Malaysia, ang Spratlys ay inaangkin din ng Vietnam, Brunei at Taiwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply