Malaysia tinambakan ng Gilas sa SEABA

SA kabila ng kapus na bilang ng pambansang manlalaro ng Pilipinas-Smart Gilas ay nagawa pa rin nilang tambakan ang Malaysia sa five-point halftime deficit 97-71, sa 9th Southeast Asian Basketball Association (SEABA) men’s championship, Huwebes ng gabi sa BritAma Arena Sports Mall, sa Jakarta, Indonesia.

Kumana si JV Casio ng 15 puntos sa third quarter para iangat ang Gilas sa 41-36 puntos sa halftime deficit papasok ng final 10 minuto  ng bakbakan.

Kumana rin si Japeth Aguilar sa final quarter ng eight points, tatlong rebounds sa 16-2 exchange para umangat ng 20-point ang Gilas, apat na minuto at 50 segundo ang natitira sa laro.

Umayuda rin ng tatlong assists si Casio habang tumapos si Aguilar ng 18 points at five rebounds para gumiri ang Team Pilipinas.

Samantala, ang naturalized player na si Marcus Douthit ay gumawa ng 14 points at 15 rebounds habang si team skipper Chris Tiu ay nagdagdag ng 12 markers at pitong boards.

Hindi naman sumapat ang kayod kalabaw na pagpuntos ni Yeow Long Ho para maingat ang Malaysia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply