Maligaya si Duncan sa bago niyang manager

SUCCESSFUL ang show ni Duncan Ramos sa Zirkoh Morato. Ito ang kauna-unahang show’niya na matagal nang pinangarap ni Duncan..ang magkaroon ng sariling show.

Naiinggit nga siya sa mga kasabayan niya dahil lahat sila nagkaron na ng kanya-kanyang show. “Ako na lang ang hindi. Naisip ko tuloy kung sino kaya ang makapagbibigay sa ‘kin ng show hanggang sa sinabi ni Pangga Jobert Sucaldito na matutupad na ang pangarap ko na makatapak sa entablado na ako mismo ang star of the show.”

“Natuloy rin sa wakas. Malaki ang pasasalamat ko kay Pangga Jobert sa pagtulong niya. Siyempre, ‘run sa mga naging guest ko.. kay Luke Mijares, Jimmy Bondoc, Billy, sa’king kapatid at kay Ms. AiAi Delas Alas.”

Wala na rin sa poder ni Angelique Pangilinan ng Genesis Inc. si Duncan. Matagal ding nasa pangangalaga ng Genesis ang kanyang singing career kaya nag-decide siyang magpaalam na rito at agad naman ini-realese at pinayagan nito.

Nasa mabuting kamay ngayon ang career ni Duncan sa bagong manager na si Jobert Sucaldito.

***

NATUTUWA si Lito Camo dahil nakasama siya sa bagong game show ni Rep. Manny Pacquiao na “Manny Many Prize” sa GMA-7. Magsisimula na sa July 9, every Saturday at exactly 7 p.m. “Hindi ko ini-expect na mapasama rito,” sabi ng sikat na composer. “Nang sabihin sa kin ni Manny, siyempre, isang malaking karangalan na maisama sa isang game show. Nag-workshop muna kami upang mahasa sa hosting lalo’t pare-pareho kaming walang karanasan. Saka mahirap mangapa. Siyempre malaking tulong itong ginagawa naming pagwo-workshop.

“Kasama rin si Paolo Contis, Onyok Velasco, at Rhian Ramos.”

Kahit bihira nating nakikita si Lito ay naging abala siya kay Rep. Pacquiao. Palagi siyang kasama nito dahil siya ang gumagawa ng mga awitin nito at bahagi na rin siya nang MP band. Siya rin ang nagco-compose ng mga kanta ni Willie Revillame. Matagal na ring daw silang di nagkikita nito pero madalas silang nagkakamustahan sa cell phone. Patuloy pa rin ang suporta ni Camo kay Willie.  Anthony Solis/I’m Back

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply