Malupit na mister pinakulong ni misis

HALOS hindi nammakalakad at tadtad ng pasa sa katawan, inireklamo na ng hindi na nakapagtimping misis Miyerkules ng gabi ang kanyang mister na umano’y paulit-ulit na nambugbog sa kanya.

Ayon sa reklamo ng biktima na nakilalang si Maribel dela Cruz, 36, ng Barangay Bambang, Taguig City, sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police Station, hindi na umano niya matagalan ang karahasang dinadanas niya sa kamay ng malupit na mister kaya nagawa niya itong ipahuli at ipakulong sa mga awtoridad.

“Iresponsable po siyang asawa,” sabi ni Dela Cruz. “Ako na nga po halos ang kumakayod para mabuhay ko ang aming anak subalit nagmistulang impiyerno ang naging buhay ko sa kanya sa loob ng 13 taon.”

Aniya, bukod sa pisikal na karahasan ay binibigyan pa umano siya ni Jim dela Cruz, 49, di-mapantayang sakit ng kalooban.

“Hindi na nga niya kami mabigyan ng maayos na buhay, nambababae pa siya ng harap-harapan,” sabi ng biktima.

Agad ipinag-utos ni WCPD chief  Chief Insp. Delia Ingala na ikulong ang suspek.

Mahaharap sa kasong violation of R.A. 9262 o violence against women ang ikinulong na suspek. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply