Mamatay si PNoy sa libog ng kanyang bantay

DELIKADO para kay PNoy ang libog ng kanyang mga bantay sa Palasyo.

Maa-asasineyt siya nang wala sa oras.

Madali siyang pasukin ng mga terorista o sinomang gustong kumitil ng kanyang buhay sa anomang kadahilanan.

oOo
Kaugnay ito, Suki, ng iniimbestigahan na pangrereyp umano ng isa o tatlong kagawad ng Presidential Security Group sa isang 15 anyos na babae.

Ipinasok ang biktimang babae sa presidential compound sa gabi, sa oras ng curfew laban sa mga kabataan ng isang bugaw na tserman ng barangay.

Kung saan pumapasok at lumalabas si PNoy, doon ipinasok para ipareyp o reypin ang  biktima at doon din inilabas ang biktima makaraan ang pambababoy sa kanya.

Eh malapit na malapit lang ang PSG building sa Bahay Pangarap na tinutulugan ni PNoy.

oOo

Heto ngayon ang senaryo: paano kung bahagi ng mga grupong assassin o terorista ang babaeng biktima?

Alalahaning maging ang mga kababaihan ay aktibo sa pulitika, sa rebolusyon, sa terorismo, sa krimen at iba pa.

Paano kung tanim lamang ang babae para mapasok ang tahanan ng Pangulo at patayin ito?

Eh di nadale na sana si PNoy nang wala sa oras.

Nabubuksan pala ang gate at napapasok ang presidential compound sa pamamagitan ng mga babae at nagaganap ito sa libog ng mga PSG.

oOo

Op kors balitang-balita ang pantsitsiks ng Pangulo.

Pero hindi ito dapat kainggitan at tularan ng mga PSG..

Ang tungkulin nila ay gawing liko-likong landas ang daraanan ng mga assassin para maligaw at mabigo ang mga ito.

Eh, istreyt na daan sa kapahamakan ng Pangulo ang hinawan ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply