Mambabatas muntik maospital sa katangahan

MUNTIK ng itakbo sa pagamutan ang isang mambabatas dahil sa kanyang katangahan este kamamadali.

Batay sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate, papasok sa isang hearing o pagdinig ang naturang mambabatas nang biglang magmadali ito at sa kanyang pagmamadali ay napatid siya sa isang wire na dahilan ng muntikan niyang pagkasubsob at pagkauntog ng kanyang ulo.

Halos napahiyaw at napatigil ang mga tao sa pagdinig maging ang panauhing nagsasalita ng mga panahong iyon. Ang sabi nga, na wow mali ang mambabatas, at matapos ang insidente ay agad na tumayo ang mambabatas at taas noong naglakad na tila baga walang nangyari.

Ang nakatutuwa,hindi naman bulag o hindi makita ng mata ng mambabatas ang puting wire lalo na’t mayroon pa itong suot-suot na salamin na ibig sabihin ay apat-apat ang kanyang mata na gamit.

Sa sobrang pahiya ng mambabatas pagdating sa kanyang upuan ay agad na nilantakan ang pagkaing nakahain sa kanyang lamesa na animoy gutom na gutom.

Matapos nito agad na humingi ng tubig ang mambabatas dahil sa tila nabibilaukan naman siya sa kanyang kinakain.

Subalit kitang-kita pa rin sa mata ng mambabatas ang kaba at pamumula ng kanyang mukha sa kanyang sinapit at nasambit na lamang niya sa kanyang katabing mambabatas, “Akala ko oras ko na.” He he he.

Kasi ang mambabatas na ito ay mayroon nang edad subalit sa kabila ng kanyang edad ay lubhang matinik sa maraming bagay, lalo na ang paborito ng mga kalalakihan.
Bahala na kayong mag-isip kung ano iyon.

Sensitibong puwesto ang kanyang hinahawakan sa isang makapangyarihang komisyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Kung gusto ninyo siyang makilala ng lubusan pakitanong kay Pound for Pound Boxing Champion Manny “Pacman” Pacquiao dahil minsan na rin siyang tinalo ng apelyidong itong ewan lang kung saan sila nagkataluhan sa pustahan ba o sa ewan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply