Mambabatas na ayaw sa ARMM polls dumarami

MISTULANG ipinahiwatig ni Sen. Franklin Drilon na dumarami ang bilang ng mambabatas na nakukumbinsi ng kanyang argumento na dapat ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto.

Ayon kay Drilon, kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino sa Senado na dumarami ang mambabatas na nakukumbinsi ng kanyang argument hinggil sa synchronization ng local at national elections alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Sa interview kay Drilon, talagang labag sa Saligang Batas ang nakatakdang halalan sa Agosto sa ARMM dahil layunin nito na pagsabayan ang lahat ng halalan sa bansa.

“Sa palagay ko mas nakakalamang ang kumbinsido na hindi sang-ayon sa Saligang Batas na ipagpapatuloy ang halalan at dapat i-repeal namin ang republic act 9333 na nagtatakda ng halalan sa August 8, 2011,” aniya.

Iginiit ni Drilon na nakapagdesisyon na ang Supreme Court na ilegal ang halalan sa Agosto dahil taliwas ang layunin nito sa intensiyon ng batas.

Dahil dito, hinikayat ni Drilon ang kasamahan sa Senado na kaagad pagbotohan ang panukala dahil sertipikadong urgent ang pagpapaliban sa ARMM polls alinsunod sa nakapagkasunduan sa pulong kamakailan ng Legislative Executive Development and Advisory Council (LEDAC).

“Ako umapela sa leadership na tapusin bukas. Certified urgent ito.”

May natitirang tatlong session days ang Kongreso bago magkaroon ng sine die adjournment sa Hunyo 9 kaya kailangang maipasa ang panukala sa Lunes at magkaroon ng bicameral conference committee sa Martes saka ihahain ulit sa plenaryo saka aaprubahan nang tuluyan.

Nakatakdang pag-usapan sa bicameral conference committee ang karapatang may maitatalagang opisyal sa ARMM bilang officer in charge na tumakbo sa susunod na halalan na siyang binura ni Sen. Ferdinand Marcos Jr., sa bersiyon ng Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply