Mancao ipinatatanggal sa WPP ni Lacson

 

HINAMON ni Sen. Panfilo Lacson si Justice Secretary Leila de Lima na tanggalin na sa Witness Protection Program (WPP) si dating Police Sr. Supt. Cezar Mancao dahil hindi na ito magagamit na testigo sa Dacer-Corbito double murder case.

Ikinatuwiran ni Lacson na wala nang silbi ang testimonya ni Mancao dahil inabsuwelto na siya ng Court of Appeals (CA) sa kasong pagpatay kina Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong  Nobyembre, 2000.

Sa isang programa ng DWIZ, ibinabala pa ni Lacson na kung patuloy na gagamiting testigo ng DOJ si Mancao, baka makasuhan pa si de Lima ng technical malversation of public funds dahil sa ginagastusan nito ang isang testigo na idineklara ng CA na isang ‘incredible witness’.

Hindi naman tutol ang senador kung balak ni de Lima na magsagawa ng reinvestigation sa Dacer-Corbito double murder case, subalit kailangan na mayroon itong bagong ebidensiya.

Ani Lacson, hindi rin maaaring kaladkarin ni de Lima si dating Pangulong Joseph Estrada sa reinvestigation ng double murder case dahil lamang sa nalalapit na ang pag-uwi sa bansa ni dating Police Sr. Supt. Michael Ray Aquino.

Ipinaliwanag ni Lacson na hindi maaaring idawit sa kaso si dating Pangulong Estrada kung ang pagbabasehan lamang ay ang testimonya ni Mancao kung saan nabanggit ang isang ‘bigote’dahil idineklara na ng CA na hindi mapagkakatiwalaang testigo si Mancao.

Idinagdag pa nito na maging ang Supreme Court ay hindi kinontra ang deklarasyon ng CA laban kay Mancao kung kaya malinaw na ibinasura ng CA at ng High Court ang testimonya ni Mancao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply