Evacuation ng OFWs sa Yemen isinagawa

IPINATUPAD ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang puwersahang pagpapalikas sa mga Pinoy na naiiwan pa sa Sanaa,Yemen.

Ito ay bunsod ng pagtataas ng DFA ng crisis alert sa level 4 dahil sa lumalalang kaguluhan sa naturang bansa.

Ayon kay Philippine Embassy in Riyadh charge d’affaires Ezzedin Tago, sagot ng pamahalaan ang lahat ng gastos sa paglikas at pagpapauwi ng mga overseas Filipino worker pabalik sa Pilipinas.

Nabatid na umaabot pa sa 1,000 Pinoy ang nasa Yemen pa at naiipit sa kaguluhan.

Siniguro naman ng DFA na hindi pababayaan ng embahada ang mga OFW hanggang sa kanilang pag-uwi.

“So far, ang nakaalis na ay 72, pero in the next few days mayroon pang ibang flights. And today, may dalawang flights, 45 ang nakaalis,” ayon kay Tago.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply