Mangingikil sa BI at utang sa PSBANK

BIGYAN naman natin ng espasyo na magpahayag ng kanilang saloobin ang mga masusugid nating mambabasa. Heto po sila.

MANGINGIKIL SA BI

Boss, nabasa ko ang inyong pahayag sa Remate, tungkol kay MR ng Bureau of Immigration.

Tama ang pahayag ninyo, sobrang buwayang mangikil niyang si MR na yan ng TCEU.

Lahat kami hinaharang kahit kumpleto ang mga papel namin papuntang Dubai. Pati ang mga immigration na pang-gabi hindi na nila kami ini-entertain. 916556

HINAING NG MGA MAGSASAKA

Nakalulungkot isipin ang naging kalagayan ng mga magsasaka rito sa aming bayan sa Bulacan.

May sarili na kaming dam, ipinagbili pa ng mga lokal na opisyal sa Maynilad nang walang public hearing.

Nagdaan ang 1 linggong tag-araw wala na kaming tubig sa aming mga palayan na naging dahilan para hindi pag-anihan ang aming sakahan, dito sa gawing Calumpit.

Ang nakalulungkot, ngayong tag-ulan, pag nagpanayan ang ulan at labis na ang tubig sa nasabing dam, biglang pawawalan ang labis na tubig pababa na sanhi ng baha. 939227

PAGING PSBANK

Gud am, sir. Lagi ko pong nababasa yung kolum ninyo sa newspaper. And nakita ko po na OK kayo. Nag-text po ako kasi I need your help.

Kasi po, mga 3 years ago,  kumuha po ako ng personal loan sa PSBANK, 20 thousand pesos po iyon.

Pinipilit ko naman po na magbayad monthly but the problem is daily po na nag-e-earn siya ng interest.

And as of now 95 thousand na raw po yung utang ko. Sobrang lomobo po siya and masyado na po akong stressed dito.

Patulong po sana ako na baka po me paraan na magkaroon ng settlement or something para po magkaroon man lang ng discount yung utang.

Kasi, parang lalo akong nababaon sa laki ng interest.

Nagpapatulong po ako kasi alam naman po natin na ang daming bank agents ang medyo abusado at andyan pa po yung tatakutin ka nila at kung ano-ano pang harassment.

Sir, sana po matulungan niyo ako.

Hindi na normal ang buhay ko because of this.

Sir, puwede po ba na huwag niyong i-publish yung name and number ko?

Thanks and God bless. 3922866

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply