Mangingisda binurdahan ng saksak, tigok

TODAS ang isang mangingisda matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang kainuman nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa pulutan Miyerkules ng madaling araw sa tabing ilog kalye Impyerno Barangay San Roque, Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Navotas Lying-In Clinic sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Jogen Novo, y Gumacat, 28, binata, mangingisda, at residente ng Everlasting St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr.Supt Florendo Quebuyin, hepe ng Navotas police ang kanyang mga tauhan na agarang hanapin at arestuhin ang suspek na si Aldren Tabinas, legal age, at residente rin sa nasabing lugar.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Resty Castillo, ng Station Investigation Division ng Navotas police, dakong 1:00 kahapon ng madaling araw ng maanap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat kasalukuyang nag-iinuman ang suspek at biktima kung saan may katakawan umano ang suspek sa pulutan kung kaya’t ng maubos ang kanilang pulutan ay agad umanong sinabihan ng biktima si Aldren na siya naman ang bumili ng mapulutan.

Dahil sa kapwa lasing na, nagkaroon ng ng mainitang pagtatalo ang dalawa at agad na nagbunot ng patalim ang suspek at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima na agarang ikanatumba nito sa kalsada.

Mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit nitong patalim habang ang biktima ay dinala ng kanyang magulang sa nasabing pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply