Mangingisda kinatay ng kainuman

PATAY ang isang mangingisda matapos pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang pagtatalo kung sino ang bibili ng pulutan sa Navotas, Huwebes ng madaling-araw, Hunyo 30.

Dead on arrival sa Navotas Lying-in Clinic sanhi ng mga saksak sa katawan si Jogen Novo, 28, ng Everlasting st., San Roque, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Aldren Tabinas, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong 1 ng madaling-araw, nag-iinuman ang biktima at suspek sa Tabing Ilog ng lungsod nang maubusan ng pulutan kaya pinabili ni Tabinas si Novo.

Nang ayaw bumili ng biktima ay kumuha ng patalim ang suspek saka pinagsasaksak ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply