Mangkukulam na lola binoga ng kapitbahay

SA pag-aakalang may itim na kapangyarihan, isang lola ang binaril at napatay ng kanyang kapitbahay na naghinalang ang una ang kumulam sa kanyang tatay sa Iloilo, ayon sa ulat ng pulisya.

Nagtamo ng tama ng baril sa kanang pisngi at namatay noon din ang biktimang si Perpetua Aliparo, 77, ng Barangay Danao, Tigbuan, Iloilo.

Hinahanting naman ngayon ng Tigbuan PNP ang suspek na si  Elias Tial, 49, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi kahapon sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa pagsisiyasat ni P02 Eddie Tordesillas, ng Tigbuan municipal police station, bago ang pamamaril ay biglang namatay ang tatay ng suspek na sinasabing kinulam ng biktima.

Nang ito ay  mailibing, pinuntahan agad ng suspek kinagabihan ang bahay ng biktima saka binaril sa mukha si Aliparo  bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply