Maninisid natagpuang patay sa Manila Bay

DAHIL sa pagbabalewala sa sungit ng panahon dulot ng bagyong Falcon ay isa na namang bangkay ng lalaki ang natagpuang lulutang-lutang sa Manila Bay matapos itong manisid ng uulaming tahong sa kasagsagan ng bagyo nitong Biyernes ng hapon, Hunyo 24, sa Port Area, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macareg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Ronald Dula, tubong Samat at nakatira sa Dulo Puting Bato Tondo, Maynila.

Sa report ni PO3 Charles John Dura, dakong alas-3:00 ng hapon ng mabingwit ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ni Dula sa Manila Bay sakop ng Pier 2 Negros Navigation, Port Area, Manila.

Ayon sa kapatid ng biktima, huli niyang nakitang buhay si Dula dakong alas-5:00 ng hapon noong Hunyo 23 nang mapadaan ang biktima sa kanilang bahay patungo sa Manila Bay.

Maninisid umano sana ang biktima ng tahong nang hindi niya makayanan ang malalaking hampas ng alon hanggang sa tangayin ito at tuluyan nang maanod at malunod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply