Manyak na holdaper sa Malabon kalaboso

KULONG ang isang manyak na holdaper matapos holdapin at hipuan ang isang kahera sa Malabon City, Lunes ng tanghali, Hunyo 6.

Nakilala ang suspek na si Darwin Dioneda, 32, ng Riverside, Inda Maria st., Potrero, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Connie Calisay, 25, ng Chico rd., Potrero, dakong alas-12:50 ng tanghali habang nag-aabang siya ng masasakyan sa nasabing lugar nang lapitan at tutukan ng patalim ng suspek.

Kinuha ng suspek ang P700 at Samsung Corby ng biktima subalit bago tumakas ay pinaghihipuan pa siya sa maseselang bahagi ng katawan.

Dito na nagsisigaw ang biktima na narinig ng ilang mga nakatambay sa lugar kaya naaresto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply