Manyak na lolo arestado sa panghihipo

KALABOSO ang isang lasing na lolo matapos itong ireklamo ng panghihipo at pandadaklot sa maselang bahagi ng katawan ng isang babae Huwebes ng gabi, Hunyo 16, sa Samploc,Maynila.

Hawak ngayon ng Manila Police District ang suspek na si Luis de Guzman, 74, residente ng nasabing lugar matapos siyang ireklamo ng biktimang pinangalanan lamang na “Juliet,” 30.

Ayon sa biktima, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente habang kumakain ito sa isang burger stand sa lugar.

Hinipuan umano ng lasing na lolo ang biktima sa hita at nang hindi pa nakuntento ay dinaklot pa nito ng dalawang beses ang maselang bahagi ng katawan ng dalaga.

Sa sobrang kahihiyan ay mangiyak-ngiyak na nagtungo sa presinto ng Sampaloc ang  biktima upang ireklamo ang ginawa ng suspek sa kanya.

Sa presinto, todo tanggi naman ang susek at nagmatigas na humingi ng tawad sa biktima kaya tinuluyan ito ng biktima na ipakulong.

Ayon sa suspek, galit lamang umano ang biktima sa kanya katunayan umano ay hindi na tumatayo pa ang kanyang sandata kaya hindi umano totoong hinipuan niya ang biktima dahil siya ay matanda na.

Gayunman, tuloy pa rin ang kasong acts of lasciviousness na isasampa kay de Guzman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply