Manyak na traffic enforcer hinahanap na

PINAGHAHANAP ang isang traffic enforcer matapos ireklamo ng isang dalaga na lumamas sa kanyang dibdib at nagkiskis ng ari sa kanyang puwet Biyernes ng gabi, Hunyo 17, sa Malabon City.

Nakilala ang pinaghahanap na si Erick Mondido ng Malabon Public Safety and Traffic Management Office at residente ng F. Sevilla, San Agustin sa naturang lungsod.

Sa reklamo ng biktimang nagpatago sa pangalang Jane, 22, dakong alas-6 ng gabi, kainuman ng kanyang kuya ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Gen. Luna, Hulong Duhat ng lungsod habang ang dalaga ay nakikipag-chat naman sa loob ng kanyang kuwarto.

Nagulat ang biktima nang pumasok sa kuwarto ang suspek sabay yakap sa dalaga.

Napatayo ang dalaga at nagpapalag subalit nilamas naman ng suspek ang dibdib ng biktima bago ikiniskis ang ari sa puwet ng una.

Nagmamakaawa ang biktima na bitawan siya ng suspek hanggang sa marinig ng huli ang boses ng ate ng una na tinatawag ang kanilang kuya.

Agad na kumalas ang suspek at umalis na nang bahay habang nagsumbong naman ang dalaga sa kanyang mga kapatid na naging dahilan upang magreklamo sa mga pulis. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply