Mar ‘di mahihirapang makalusot sa CA

NAKATITIYAK nang makalulusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si dating Sen. Mar Roxas matapos suportahan ng kasamahan ang kanyang pagkakatalaga sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Inihayag ng ilang senador na tama ang naging desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na italaga si Roxas kapalit ng nagbitiw na si Sec.  Jose “Ping” de Jesus sa halip na makipagsabong kay Executive Secretary Paquito Ochoa sa Palasyo bilang chief of staff.
Nagkasundo sa ganitong pananaw sina Sens. Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr., Juan Miguel Zubiri, Pia Cayetano, Franklin Drilon at Francis Escudero.
Ayon kay Enrile, isang mahalagang departamento ang DoTC sa pamahalaan kaya tama lamang aniya na si Roxas ang napili ng Pangulo na mamumuno rito.
“He is qualified and competent to handle that. He has managed a Cabinet department before—the Department of Trade and Industry. I congratulate and extend my congratulations to Sen. Mar Roxas,” ayon kay Drilon.
Sinabi naman ni Revilla na lalong makakatulong sa kanyang hinahawakang komite na public works and public service ngayong si Roxas na ang nasa DoTC.
Para kay Escudero na nalutas ni Pangulong Aquino ang dalawang problemang bumabagabag sa kanyang katauhan, ang pagpuno sa pagkawala ni De Jesus at paghahanap ng puwesto para kay Roxas.
“Tagumpay siguro ito para kay Pangulong Aquino dahil may naresolbahan siya kung saka-sakaling dalawang problema, problema kaugnay sa nabakanteng puwesto sa DOTC at problema rin kaugnay sa napipintong pagpasok ni Senadro Roxas sa gabinete, nagbukas yung pagkakataon para makapagpasiya,” giit ni Escudero.
Tiniyak din ng naturang mga senador na madaling makalusot si Roxas sa deliberasyon sa CA dahil dati itong senador na nagsilbi bilang miyembro ng komisyon at kaibigan ng maraming miyembro ng lupon.
“Nasa kanya ang boto ko sa CA, hindi ko man naibigay yon nong nakaraan kaugnay ng ibang puwesto, nasa kanya ang suporta ko sa CA,” giit pa ni Escudero.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magagampanan ni Roxas nang mahusay ang isa sa pinakamahalagang kagawaran sa pamahalaan dahil mahusay na nagampanan naman nito ang dating tungkulin sa Department of Trade and Industry (DTI).
“Naging mahusay na DTI secretary si Mar. At least ngayon wala nang problema sa DOTC kailangan talaga kasi may credibility ang itatalaga mo dun, at mayroon nito si Mar,” paliwanag ni Cayetano.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply