Mar Roxas bilang DOTC sec idineklara na ni PNoy

PORMAL nang idineklara ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III si dating Sen. Manuel “Mar” Roxas II bilang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC) Martes ng tanghali.

Ito ay matapos tanggapin ng runningmate ni Pangulong Aquino noong 2010 presidential elections puwestong mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nag-alok.

Lumitaw ang nasabing balita matapos ang tatlong oras na pagpupulong nina Roxas at Pangulong Aquino sa Palasyo.

Unang tinanggihan ni Roxas ang alok na maging kalihim ng DOTC dahil nais umano nitong maging presidential chief of staff.

Matatandaang natalo si Roxas ni dating Makati City Mayor Jejomar Binay sa pagka-bise presidente noong nakaraang eleksyon. Naghain ng election protest si Roxas laban kay Binay sa Presidential Electoral Tribunal.

Si Roxas ang papalit kay Jose “Ping” de Jesus, na nagbitiw sa puwesto epektibo ngayong darating na Hunyo 30.

Bago naging senador si Roxas ay naging trade and industry secretary siya ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Iniwan ni Roxas ang puwesto sa gitna ng pagkakasangkot ni dating Pangulong Estrada sa corruption scandals.

Nilinaw naman ni PNoy na wala pa siyang partikular na ipinabubusisi kay Roxas pero nais niyang bigyang pansin ang operasyon ng LRT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply