Mar Roxas sa DOTC suportado ng Kamara

SUPORTADO ng liderato ng Kamara ang pagkakaluklok ni Pangulong Aquino kay dating Senador Mar Roxas bilang kalihim ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

Inihayag ito ni House speaker Feliciano Belmonte kasunod ng anunsyo ng Malacañang na tinanggap na ni Roxas ang alok na maging kalihim ng DOTC.

Kinumpirma ni Belmonte na nagkaroon muna ng get together ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) at inilarawan nito si Roxas na masaya sa kanilang pagtitipon subalit hindi umano binanggit sa kanya na tinanggap na ang naturang posisyon.

“He was in good mood kagabi,” ani Belmonte na naniniwalang malaking hamon sa dating senador ang kanyang bagong trabaho dahil ang nasabing ahensya ay isa sa mga top agency sa bansa kung saan ang trabaho nito ay magtayo ng mga port, paliparan at iba pa.

Maging si House Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay ay umaasa na mareresolba ni Roxas ang mga suliraning naiwan sa DOTC ng nagbitiw na si dating Sec. Ping de Jesus.

” With his closeness to PNOY and Butch Abad, he will not have a difficult accessing funds for his agency.  I expect that he should solve the impasse in it like NAIA Piatco 3, upgrading the category level of airport,” giit ni Magsaysay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply