Marcos malabong ilibing sa Libingan ng mga Bayani

MALABO nang mailibing pa ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na malabong mangyayari na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos sa ilalim ng kanyang anim na taong panunungkulan.

Sa kabilang dako, wala pa rin siyang pinal na plano kung paano naman ang magiging proseso ng paghahatid sa dating lider sa kanyang huling hantungan.

Nauna rito, kinukunsidera naman ng Chief Executive ang rekomendasyon  ni Vice President Jejomar Binay na bigyan pa rin ito ng full military honors sa bahagi ng Ilocos Norte.

Iyon nga lamang ay imposibleng matuloy rin ang nabanggit na military honor kay Marcos dahil sa ilang isyu.

Ito’y kasunod na rin ng mga impormasyong nagsasabing nabigyan na ito ng parangal noong 1993 sa termino ni dating Pangulong Fidel Ramos kaya hindi na kailangang ulitin pa ang seremonya. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply