Maria Aragon haharanahin sina Prince William at Princess Catherine

NAKATAKDANG haranahin ni Youtube sensation Maria Aragon sina Prince William at misis nitong si Princess Catherine na tinawag na Duchess of Cambridge para salubungin ang pagdalaw ng sinasabing tagapagmana ng trono ng Great Britain.

Makakasama ng Filipino-Canadian na si Aragon sina Sam Roberts at Big Sea para i-welcome ang dalawa sa darating na Hulyo ngayon taon. Ito ang kauna-unahang royal trip nila bilang mag-asawa.

Si Aragon ay nakilala sa Youtube makaraang mag-post ito ng kanyang mga music video na kinagiliwan ng mga internet enthusiasts dahil sa angkin nitong ganda ng boses.

Kabilang sa manonood sa pagtatanghal nila Maria ay sina Canadian Prime Minister Stephen Harper at kanyang pamilya, Heritage Minister James Moore at Governor General David Johnston.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply