Marian mamatay ka sa inggit: Sam Pinto No. 1 pa rin sa FHM!

HANGGANG ngayon ay si Sam Pinto pa rin ang nangunguna sa FHM sexiest para sa taong ito. Dahil kinaiinggitan, may mga kampo nang naninira na kesyo bobita raw si Sam. As if ganun naman katalino sina Angel Locsin, Katrina Halili at Marian Rivera na pare-parehong naging number one sa kanilang mga panahon.

Ano naman ang maisasagot dito ni Sam Pinto?

“Who are they to judge me?” mataray na sagot niya. “Do they know me personally? Nakasama na ba nila ako anywhere for them to say that?”

Oo nga naman, mamatay na lang sila sa inggit. Like we say, this sexiest ek sa FHM doesn’t really require much brain. Bakit, saan ba sila dadalhin ng kontes?  Ire-represent ba nila’ng Pilipinas worldwide? At most, ang tanging karangalan lang dito ay mai-feature sa isang sexy magazine.

Ano ba’ng estado ng mga kautakan ng mga naunang nanalo sa kontes na ito?

Maituturing bang nuno ng katalinuhan sina Marian Rivera, Angel Locsin at Katrina Halili?

O di ba, kapantay lang naman sila sa katalinuhan ni Sam Pinto. In fact, puwede pa ngang sabihing pagdating sa English-an, talo na sila sa alaga ni Ms. Claire dela Fuente.

Hindi ba my dear editor?. (Say that with more conviction, darling! Hahaha! – Ed) Sam’s now in “Captain Barbell” week nights and is now with Rhian Ramos in “Snow White Lady and the Seven Ghosts” of Spooky Nights on Saturdays. “I’m really thankful to GMA sa magagandang projects nila for me. In Captain Barbell, bale ako ‘yung pumalit kay Bianca King now that she has an afternoon drama as the assistant of Eddie Gutierrez as Gen. Armando of the Liga ng Kapayapaan. I prefer this role than the old one na nagiging 50 ft. giant woman ako.”

Siya rin daw ang magiging love interest ni Richard Gutierrez as Captain Barbell since his alter ego, Teng, is now paired off with Lovi Poe.

***

Who’s the sexiest of them all?

IKALAWANG taon na ng Sexiest Man In the City. Sa kalipunan ng maraming nag-apply ay nakakuha ng 24 candidates na ang mananalo ay pipiliin na sa July 19 sa isang bonggang pageant na gaganapin sa Metro Bar at tatampukan ng maraming celebrities. The sexiest will get P100,000 at one year membership with Gold’s Gym, trip to Hong Kong with two-night/three-day accommodation, sash, at trophy.

Ang 24 ay binubuo nina Herol Kim Avinante, Cabanatuan City; Whey Posas, QC; Louie Favila, Cainta, Rizal; Paulo Magnayon at Jeeroh Panes, Antipolo; Ian Almazan, Jr., Malolos, Bulacan; Richard Pangilinan, Angeles, Pampanga; Raymond Simon at Shaun Gabriel Tan, Sta. Rosa, Laguna; Jhay Ahr Sicat, Francis Arroyo at Junnix Yambot, Valenzuela; John Arsenio Erguiza, San Carlos, Pangasinan; Mark Anthony Hotches, Olongapo; Arjhem Hansen, Dinalupihan, Bataan; Michael Mebana, Cagayan; James Oriel Malonzo, Quezon; Haime Felix, Tarlac; Rommel Torres, Cabanatuan; Raymond Villegas, San Jose; Gabriel Angelo Baldon, Las Piñas; at John Emmanuel Cruz.

Binary Entertainment and Premiere Koncepts hope to crown a sexiest man na hindi lamang nagtataglay ng isang magandang pangangatawan, kundi isang perfect figure na patunay sa kanyang pagiging advocate ng physical beauty and healthy lifestyle, isang lalaking maituturing na sexy na hindi vanity personified kundi isang magandang pangangatawan na kuha sa magandang pangangalaga at disiplina.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply