Marian Rivera umatungal

HINDI na napigilan ni Marian Rivera ang umiyak nang sabihin na mawawala na ang “Show Me Da Manny,” sitcom nila ni Manny Pacquiao sa GMA 7.

Although may kutob na si Marian na mawawala na nga ang sitcom ay hindi pa rin nitong mapigilan ang mapaluha nang sabihin sa kanila na last taping day na nitong Tuesday.

Grabeng lungkot ang nadama ng mga kasama ni Marian nang makarating sa kanila ang desisyon ng management na mawawala na nga ang sitcom.

Sabi ni Marian, sobrang close na sila sa sitcom at hindi niya akalain na magtatapos na. Pero may nagtsika na may bagong sitcom si Marian at request niya sa mga executives na sana raw ay makasama rin niya ang mga kasamahan sa Show Me Da Manny.

Pero tila hindi siya in-assure ng management dahil baka raw magmukha ring Show Me Da Manny yun bagong sitcom na gagawin ni Marian sa GMA 7.

Tsika kasi ni Marian, kaya niya ginagawa ang SMDM kahit pagod na siya sa ibang projects niya ay dahil ang nasabing sitcom lang ang nagpapagaan ng kaniyang pakiramdam. Masaya siya na kasama ang cast.

Bakas na bakas ang lungkot ng cast lalo nang magpaalam sila sa isa`t-isa na kung titingnan ay parang hindi na sila magkikita-kita pa ulit. Kaya pati kami ay nakadama rin ng lungkot at panghihinayang dahil maganda naman at tinatangkilik ng viewers ang nasabing show sa GMA 7.

Pero management decision yun kaya wala silang magagawa kahit masakit sa kanilang kalooban ay dapat tanggapin.

Balita rin namin na ililipat ang timeslot ng “Andres de Saya” sa timeslot ng Show Me Da Manny tuwing Linggo at ang timeslot daw ng Andres de Saya ilalagay ang bagong game show ni Manny Pacquiao na “Manny Many Prizes” na kung saan sa opening pa lang ng game show ay mamimigay na kaagad ng house and lot sa mapalad na contestant.

Sana lang ay tama ang desisyon ng management.

***

DAPAT bumili na si Tirso Cruz III ng bagong aparador na paglalagyan ng kaniyang mga trophy. Sa rami na kasi ng mga tinanggap na award ng actor ay hindi na ito mabilang at hindi na magkakasya sa isang aparador ang mga acting award na napanalunan.

Tumanggap na naman siya ng Best Supporting Actor sa katatapos na PMPC Star Award for Movies sa pagganap niya sa “Sigwa” na idinirek ni Joel Lamangan.

Maging ang wife ni Tirso na si Lynn ay hindi matiyak kung ilan na nga ba ang napanalunang trophy ng actor. Ang sigurado ay sangkatutak na ang nakadisplay sa kanilang tahanan.

Si Pip ay 42 years na in local showbiz at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin siya at hindi natitinag pagdating sa acting. Kaya naman hindi siya nawawalan ng project, sa TV man o pelikula.

Congrats Tirso Cruz dahil patuloy pa rin ang pagtanggap niya ng mga acting awards.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply