Marikina City balik na sa normal

NAGBALIK na sa normal ang sitwasyon sa Marikina City makaraang humupa ang tubig baha at bumalik sa dating level ang Marikina River.

Sa kasalukuyan nagbalikan na sa kani-kanilang mga bahay ang mga lumikas na residente na naapektuhan ng matinding buhos ng ulat bunsod ng bagyong Falcon.

Sa ngayon ay nasa 14 meters na lamang ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Iniulat na Zero casualty sa lungsod noong nagdaang bagyo kaya magandang balita ito na maituturing ng lokal na pamahalaan.

Samantala muling nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga taga-National Capital Region, Central at Northern Luzon sa mga posibleng pagguho ng lupa kahit pa nakalabas na ng teritoryo ng bansa ang bagyong Falcon.

Batay sa report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan ang mga nabanggit na lugar.

Ito ay bunsod naman ng Southwest monsoon o hanging habagat na dulot ng bagyong Falcon.

Kabilang sa mga pinag-iingat ng NDRRMC ang mga residente sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Zambales, Tarlac, Pangasinan, La Union, Benguet, Mountain Province, Abra at Ilocos provinces.

Mahigpit ding pina-alalahanan ang mga mangingisda na huwag na munang pumalaot para hindi malagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mga ito. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply