Marikina papadyak kontra droga

IPAGDIRIWANG ng Marikina City ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagdaraos ng cycling event na inaasahang dadaluhan ng 1,000 siklista.

Sinabi ni Marikina City Mayor Del de Guzman ang event na tinaguriang “Cambio Del Independencia, Cambio Contra Droga” ay isang paraan rin para kontrahin ang paglaganap ng droga.

“Ito ay isang malaking cycling event na maaring salihan hindi lamang ng mga bike enthusiast kung hindi ng buong pamilya rin. Dito ay maaaring magbonding ang lahat ng cycling groups sa Marikina kasabay ng paghikayat natin sa kanila na gawing palagian ang pamimisikleta upang makaiwas sa bisyo tulad ng droga,” ani de Guzman.

Ayon naman kay Carlota Contreras, head ng  Marikina City Bikeways Office, sisimulan ang pagpadyak dakong alas-6:00 ng umaga sa Marikina River Park, at tatahak sa 25 kilometrong ruta ng 52 kilometrong bikeways sa lungsod.

Layunin ng naturang proyekto na mahikayat ang mga mamamayan tungo sa mas kapaki-pakinabang na aktibidad tulad ng pamimisikleta upang makaiwas sa masamang bisyo.

Ang lahat ng makikilahok ay hinihikayat na gumamit ng track bicycle tulad ng racer bike at mountain bike.

Ayon pa kay Contreras, ang proyektong ito ay binuo upang maipakilala sa buong Pilipinas ang Marikina bilang cycling capital ng bansa. Jhie Convocar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply