Marine Protected Areas sa Pinas aprubado na

APRUBADO na ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng marine protected areas sa lahat ng baybayin sa munisipyo at siyudad para matiyak na mananatiling maganda ang kapaligiran sa buong bansa.

Habang nananatiling pinangangalagaan ang Marine Protected Areas (MPA), sinabi ni Deputy Speaker Lorenzo Tañada, may akda ng House Bill no. 57 na ito ay kautusan na magtatag, panatilihin at pamahalaan ang mga MPA sa lahat ng baybayin ng munisipyo at siyudad.

Ang sabi ni Tañada, ang pangunahing layunin ng panukala ay pagsasama ng fishery reservations, reserves, refuges, sanctuary at mangrove swamp sa marine protected areas.

Inaatasan ng panukala ang lahat ng local government units, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), fisheries and Aquatic Resources Management Councils (FARMC) mga nagmamalasakit na sektor ng lipunan na magtatag at mamahala ng MPA.

Sa ilalim ng panukala na tatawagin ding “Marine and Coastal Resources Protected Act of 2011,” manggagaling sa LGU, kaloob at donasyon ang pondo na gagamitin para sa pagtatatag ng MPA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply