Mark Gil iritado kay Albie Casino

MAY pinagdadaanang intriga ngayon ang mga anak  ni Mark Gil na sina  Sid Lucero at Andi Eigenmann.

Si Sid ay  inireklamo ng isang empleyado ng hardware store dahil diumano sa pananakit.

Inakusahan naman si Andi ng ex-boyfriend niyang si Albie Casiño  nang  kung anu-ano na ikina-react ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Sa presscon ng Guns and Roses na magsisimula sa June 6 sa ABS-CBN 2 ay kinuha namin ang reaksyon ni Mark sa mga intriga sa kanyang mga anak.

“Like I’ve said, you don’t stop parenting,” bungad niya.

“Any father naman siguro, you will wish them well.”

Tinanong daw niya si Andi kung totoo ang balita sa kanila ni Albie. Pero hindi na siya  humingi ng detalye. Mga bata pa raw kasi ang dalawa pero may mensahe siya para  sa ex ng anak.

“Si Albie, I hope somebody, like a friend, will tell him don’t talk anymore kasi tapos na, e. May sugat na, pinalalim mo pa, dinidiin mo pa. Parang you’re already down, sinisipa mo pa, e. Kasi you’re not only hurting one person, you’re hurting the whole family. As a father, nasaktan talaga ako,” deklara niya

Nandiyan  lang daw siya para maayos ang lahat. Siya pa rin  daw ang Tito Ralph nito.

“If the relationship didn’t work out, end it nicely, end as friends.  We’ll see each other pa naman, we’re in one network,” deklara pa ni Mark.

Tungkol naman kay Sid, bagamat artista sila ay tao rin sila na napapaaway, nakukursunadahan.

“There’s always two sides of a story…

“Artista siya, sikat, siyempre madidiin siya,” aniya.

“Basta ako, si Sid and si Andi, they’re strong people. I know they can take care of themselves,”sey pa niya.

Tamaaaa!

***

Todo deny si Enchong Dee  tungkol sa kanila ni Julia Montes pero matunog ang  tsismis na two months na sila. Huli silang nahuli ng press sa group date nila sa Bellisimo Resto.

“Yung sinasabi nilang two months, baka yun yung time na natapos na yung Shoutout, tapos nakikita kaming lumalabas.Pero hindi kami,” sey niya sa isang interbyu.

“Once and for all, magkaibigan lang po kami ni Julia Montes,” deklara niya.

Ano ang reaksyon  niya na nagseselos daw ang mga fans na tambalan nila ni Erich Gonzales?

“Hindi ko naman siguro sila masisisi kasi, kumbaga, talagang malayo na yung narating ng pinagsamahan namin ni Erich.

“Pero may nababasa naman ako na yung ibang fans, nirerespeto naman ako kung ano man yung desisyon ko,” tugon niya.

***

Talaga namang tinutukan ng Pinoy basketball fans saan mang sulok ng bansa ang mainit na pagbabanggaan ng Miami Heat at Chicago Bulls para sa ikalimang na round ng Eastern conference finals ng NBA noong

Biyernes (May 27) kung saan nauwi ng Miami Heat ang tagumpay.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo sa national TV ratings na 14.4% ang live airing nito sa ABS-CBN. Nang ito ay ipinapalabas pa sa ibang channel noong nakaraang taon, pumalo lamang ang NBA conference finals ng 3% nationwide mula May 17 hanggang May 30, 2010.

Sa North Luzon, namayagpag ang pagpapalabas ng naturang NBA game sa average rating na 17.8% habang nag-rate naman ito ng 19.7% sa South Luzon.

Hindi naman nagpahuli ang mga NBA fans sa Kabisayaan ng makapagtala ito ng 20.5%. Nakipagsabayan din ang mga taga-Mindanao ng pumalo ito ng 21.7% sa kanilang lugar.

Excited na nga ang lahat para sa inaabangang NBA Finals kung saan maglalaban na ang pambato ng west coast na Dallas Mavericks at pambato ng east coast na Miami Heat. Mapapanood muli ito ng live sa ABS-CBN na may replay sa Studio 23 sa parehong araw sa ganap na 7PM.

Nagsimula na ang sagupaan kung saan nanalo ang Miami Heat. Makabawi kaya ang Dallas Mavericks sa round two? Tunghayan ngayong Biyernes (June 3) sa ganap na 9 AM.

Mas maaga namang matutunghayan ang ikatlong laban sa Lunes (May 6) na eere ng 8 AM at ang ikaapat na laban naman sa Miyerkules (June 8), 9 PM.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply