Marlon Manalo target ang Qatar World 9-Ball crown

NAIS ni veteran campaigner Marlon Manalo na mapasama sa mga pinakamagagaling na pool wizards sa buong mundo.

Sa katunayan ay determinado siya na sundan ang yapak ng mga Filipino World Champions gaya nina Efren “Bata” Reyes (WPA World 9-ball and 8-ball champion), Ronato “Volcano” Alcano (WPA World 9-ball and 8-ball champion), Francisco “Django” Bustamante (WPA World 9-ball champion), Alex “The Lion” Pagulayan (WPA World 9-ball champion), Dennis “Robocop” Orcollo (WPA World 8-ball champion) at Rubilen “Bingkay” Amit (WPA Women’s World 10-ball champion).

Ang napipintong 2011 World Pool-Billiard Association (WPA) World 9-Ball Championships sa June 25 hanggang July 2 sa Qatar ay inaasahang muling masusubukan ang 33-year-old’s cue masters sa kanyang aking talino sa pakikipagtuos sa Philippines aces at sa world-class pool players sa gabay ni defending champion Bustamante.

Sa pagkakataong ito, ang Barangay Malamig Chairman mula Mandaluyong City ay muli na naman nakakuha ng suporta sa kanyang long-time benefactors na sina mayor Benhur Abalos, rep. Boyet Gonzales at Solar Sports head Ronald Tieng.

Papalapit na sana si Manalo sa kanyang first world title  noong 2004 WPA World Eight-ball Championship sa Fujairah (UAE), subalit kinapos kay compatriot, Reyes.
May palayawa na “Marvelous”, si Manalo ay naging surprise package sa 2004 WPC (World 9-ball) matapos niyang talunin sina Asian Superstar Yang Ching-shun,  Bustamante at Reyes sa successive matches bago kapusin sa last eight kay Swedish Marcus Chamat.

Noong 2005, nabigo si Manalo kay eventual champion local bet Wu Chia-ching sa semi-final round ng WPC (World 9-ball) sa Kaoshiung.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply