Masaker sa Cebu: 3 patay, 3 sugatan

TATLO ang patay habang tatlo ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang salarin ang isang bahay sa Lapu-Lapu City sa lalawigan ng Cebu umaga ng Martes.

Ayon sa report ng dzBB, hinihinala ng pulisya na poot at hindi pagnanakaw ang motibo sa pamamaril na naganap bandang 6 ala-sais ng umaga.

Kinilala ang mga namatay sina: Fernando Camillo, 58; Fernando Camillo II, 3 ; at isang Emma Larillo. Sugatan naman ang dalawang estudyante at isang lalaki na hindi pa malaman ang pagkakakilanlan.

Ayon pa sa report, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dalawang armadong salarin ang pumasok sa bahay ng mga biktima at biglang pinagbabaril ang mga taong naroroon.

Nakarekober naman ang pulisya ng empty shells ng cal-.45 pistol sa pinangyarihan. Naniniwala ang pulisya na kilala ng mga biktima ang mga salarin.

Wala namang nawalang kagamitan sa loob ng bahay, ayon sa ulat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply